Jelsea's POV “Mommy, excuse po!” tarantang-taranta na sabi ko kay Mommy nang makalapit ako sa sink kung saan siya naghuhugas ng kaniyang mga kamay. Mukhang kakatapos lang niyang hugasan ang mga apple na nasa isang sisidlan at mukhang naghahanda na siya para ipasok ito sa refrigerator. Dito ako bilib kay Mommy. Na kahit katulad kong ipinanganak siya na may golden spoon sa bibig, pagdating sa pagkain ay hands on siya. Hindi niya basta-basta ipinagkakatiwala sa mga katulong ang mga kakainin namin. Dapat nakabantay siya at makita niya kung paano ito hinanda at niluto. Gaya ng prutas na ‘to na nasa isang sisidlan na mukhang hinugasan muna niyang maigi bago ipasok sa ref at iimbak. “Why? What's happening to you, hija?” worried na tanong ni Mommy nang makita niyang para akong mukhang constipa