Jelsea's POV Gusto kong maluha nang makita kong si Sir Wallace ang kakatagpuin ko rito sa lugar na sinabi ni Sir Sky. Of all people that I know, bakit siya pa? Ang lupit naman ng tadhana oo. Ang daming lalaki sa mundo, bakit ang pinsan pa ni Master Walden ang nakabuntis sa akin? Parang nakikita ko na ang pwedeng mangyari sa mga susunod na araw. Mag-aaway sila at sasabihan siya ni Master Walden na mang-aagaw, traydor at kung ano-ano pa. Ano'ng gagawin ko? Uuwi na lang ba ako at tatalikuran siya o haharapin ko siya at tatanungin kung ano pa ang iniisip niyang solusyon bukod sa pananagutan niya ako. Ayaw kong magpakasal sa kaniya. Para ko na ring nilagyan ng lubid ang leeg ko sa gagawin ko. I don't feel anything, he’s just a friend to me. Ang anak lang namin ang dapat niyang panagutan.

