Jelsea's POV “Anak, hindi ka pa ba kakain?” “Mamaya na po, Mommy. Mauna na po kayo ni Daddy,” sagot ko kay Mommy nang tumigil ako sa paghakbang. Nasa sala sila ni Daddy at nanonood ng balita sa telebisyon nang makita niya ako. Paakyat naman ako sa kwarto ko dahil uminom ako ng tubig sa may kusina at kumuha na rin ng isang litrong bottled water. Nakalimutan kong magdala ng tubig pag-akyat ko kaninang pag-uwi ko galing sa shop kaya napilitan akong bumaba para kumuha. Palagi akong nauuhaw simula ng mabuntis ako kaya hindi pwedeng walang tubig sa kwarto ko. “Bakit mamaya pa? Bakit hindi na lang ngayon para sabay-sabay na tayo tutal naman at nandito ka na lang din naman sa baba,” suhestiyon ni Daddy. “Busog pa po ako, Daddy. Hindi na po ako kakain ng hapunan. Marami po kasi akong minery

