Jelsea's POV Nang araw na iyon na nakita ko si Master Walden sa ospital na pinuntahan ko para sana magpa-check up. Iyon din ang araw na lumipat kami, from Davao Occidental to Davao del Norte. Parang mga takas kami sa preso na nag-alsa balutan at mabilis na umalis. Inabandona namin ang bahay nina Lolo at Lola sa takot na lahat kami ay saktan niya. Hindi lang pala siya ang naroon noong araw na iyon sa ospital. Pagsakay ko kasi sa bus para bumalik ng mansion, nakita ko na pakalat-kalat ang mga tauhan ni Master Walden sa bawat paligid ng ospital. Natatandaan ko ang mga itsura nila dahil sa itim nilang kasuotan at sumbrero na karaniwan ay suot ng mga mafia. Swerte lang ako dahil walang nakakakita sa akin. Siguro dahil nagtakip ako ng balabal sa aking mukha at may suot pang facemask. Kung w