Walden's POV “Anong mga klase kayong kaibigan? Hindi niyo man lang ako matulungan para hanapin kung nasaan siya?” Naiinis na sigaw ko sa harapan nina Sky at Kor. Kulang na lang ay maglupasay ako sa harapan nila tulungan lang nila ako. Wala akong napala sa Davao nang magpunta ako roon kahapon. Sabi ni Wallace roon ko siya matatagpuan dahil iyon ang sinabi ni Sky. Pero umuwi akong bigo kaya heto at nagmamaktol ako sa kanilang harapan dahil hindi ko mahanap si Jelsea. Hindi man lang sila natinag sa panunumbat ko. They just eyed me and shook their heads after. Mas lalo akong nainis. Hindi ba talaga nila ako tutulungan? “f**k! Bakit ba ganiyan kayo sa akin? Ako na nga ang agrabyado pero parang sa akin pa kayo nagagalit!” inis na sabi ko at sinabunutan ang aking sariling buhok. Frustrated a

