Walden's POV Mabilis lang kaming naka-recover ni Kor sa natamo naming sugat sa katawan nang nakaraan. Subalit hindi namin alam na may nakatambang na naman pa lang panganib sa aming dalawa na hindi namin inaasahan. Though we are always ready for this scenario, still we are here struggling for our lives. Paano parang mas handa pa yata ang kalaban kaysa sa amin dahil alam nila kung saan kami susugurin. Alam na alam nila at handang-handa sila na labis naming ipinagtataka ni Kor. Na para bang alam talaga nila ang bawat galaw namin na tila may nagtitiktik sa kanila para makapaghanda sa pagsugod. Tapos kapag sumugod sila ay nalalagasan naman kami ng mga tauhan na kahit ayaw sana naming mangyari ay wala kaming magagawa. “f**k! Wala na akong bala, pare!” nanggagalaiting sigaw ni Kor habang pareh