Jelsea's POV Isang araw lamang nanatili si Master Walden sa ospital. Kinabukasan ng umaga ay pinayagan na siya ni Dr. Justin na ma-discharge at makauwi na. On the way home na kami. Escort kami ng mga bodyguard niya na halos palibutan na ang sinasakyan namin para makasiguro na hindi siya ulit ma-ambush ng kalaban. Daplis lang naman iyong mga tama niya sa iba't ibang parte ng kaniyang katawan kaya naman hindi na siya pinatagal ni Dr. Justin doon sa ospital nila. Ani niya, mas maigi na roon na siya sa bahay niya magpahinga para mas maging komportable siya at makapagpahinga siya ng maayos. Ako na lang ang mag-aasikaso sa kaniya. Tutal kaya ko naman linisan at palitan ng benda ang mga parteng nadaplisan ng bala. Tapos may gamot naman siyang iinumin for seven days gaya ng pain reliever para