Jelsea's POV Naalimpungatan ako sa mga tilaok ng manok na tumitilaok sa labas ng bahay. Mula sa aking masarap na pagtulog ay napilitan akong magmulat ng aking paningin para bumangon na at magtungo na sa baba para makapag-almusal. Ito ang nagsisilbing alarm ko sa tuwing gigising ako ng umaga. Marami kasing alagang mga manok ang aming mga kapitbahay at sabay-sabay na tumitilaok ang mga ito kaya naman nakasanayan ko na ang gumising kapag sabay-sabay na silang tumilaok. Nag-unat muna ako ng aking mga kamay bago ako nagpasya na umalis na ng kama at makapag-stretching muna bago magtungo sa banyo at gawin saglit ang aking mga ritwal. “Anong—” nagtataka na bulalas ko na hindi ko na natapos ang dialogue ko dahil sa braso na pumigil sa akin para hindi ako makaalis sa higaan. Takang nilingon ko a