Chapter 52. Hindi ako magiging under de saya.

1609 Words

Walden's POV Hubad-baro na nagtungo ako sa teresa na kanugnog ng kwarto ko. Tanging boxer short lang ang suot ko at hindi ko man lang alintana ang lamig ng paligid. Sabagay, pinapainit ng alak na tangan ko ang katawan ko. May tangan kasi akong isang bote ng alak at dito ako mismo tumungga at hindi na nag-abala pang kumuha ng kopita at ice cubes. Malamig naman ‘tong hawak kong bote dahil nagpapa-stock talaga ako kay Yaya Caring nito sa personal ref ko lalo na kapag tamad akong kumuha ng yelo at isalin pa ito sa wine glass. At least ito, pagbukas ko ng tansan ay diretso tungga na ako. “Bakit ngayon mo lang sinagot ang tawag ko, pare? I’ve been calling you since you left.” Bungad ni Blue sa akin mula sa kabilang linya. Kanina pa niya ako tinatawagan actually pero ngayon ko lang sinagot

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD