Jelsea's POV Napatanga ako sa sinabi ng lalaking kaharap ko. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa rason niya o maiinis. Ginayuma ko raw siya kaya hindi niya ako makalimutan? Binaliw ko raw ng sobra? Ang gulo ng sentence niya. Hindi ko ma-gets kung ano ang pinupunto ng mga salita niya. If he's telling me that he’s gone crazy because he likes me so much. Or he’s saying that he fell for me and wants a relationship with me. Matutuwa ako kung ito man ang ibig niyang sabihin. Ang problema, hindi naman malinaw ang dialogue niya. Oh, feeling lang din ako kagaya niya? Umasa ako na may gusto siya sa akin where in fact hindi naman talaga iyon ang ibig sabihin ng sinabi niya! Inuusig lang siya ng konsensya niya dahil inabuso niya ako. Baka hanggang ngayon ay hinahabol pa rin siya ng multo