Jelsea's POV Sa bandang likuran ng rest house nina Sir Blue at Ate Alessandria ako humantong nang takbuhan ko si Master Walden dahil sa inis ko sa kaniya. Ayaw ko siyang makausap! Galit ako sa kaniya! Hindi ba niya gets na masama ang loob ko sa kaniya? Palibhasa kasi mukhang nasa alapaap pa ang pakiramdam niya dahil nakausap niya ang Ximena niya! Tapos siya pa ang galit imbes na siya ang sumuyo sa akin! Pinaghintay niya ako ng ilang oras at muntik ng magmukhang tanga. Kung hindi pa ako inalo nina Ate Alessandria at ng iba pang girls, alam kong mas sasama pa ang loob ko sa kaniya. Pasalamat siya to the rescue ang mga asawa ng mga kaibigan niya. Hindi na nadagdagan ang inis ko sa kaniya. Gumagaan na nga actually ang mood ko, nasira lang nang maging bossy na naman siya kaharap pa ang ibang