Jelsea's POV “Hi…” bati ni Ximena sa akin na bigla na lang nagsalita at tumabi sa akin. Nagulat ako at hindi nakahuma. When I was back on my senses, I looked at her and smiled weakly. Hindi ko napansin ang paglapit niya. Kaya siguro hindi ko napansin ang paglapit niya mula rito sa kinatatayuan namin ay dahil masyado akong abala sa panonood sa anak ni Ate Alessandria na si Alessandra na kasayaw si Sir Blue sa gitna. “H-hello…” kinakabahan na bati ko at saka mabilis na nag-iwas ng tingin habang dinadaga sa kaba ang dibdib ko. Naiilang ako sa kaniya after what happened at the garden. Pinagkaisahan siya ng mga kumare niya because of me. Nahihiya ako dahil doon. Wala siyang kamalay-malay na nagagalit na ako sa kaniya at pinagseselosan ko siya dahil sa past nila ni Master Walden na hindi k