Walden's POV Akala ko hindi siya sasang-ayon sa akin nang yayain ko siyang sumayaw. Akala ko magagalit pa siya. Salamat kay Ximena gumawa siya ng hakbang para kausapin si Jelsea at ipaliwanag kung ano talaga ang nangyari. I’m so glad na pumayag siyang sumayaw kasama ako at hawakan siya ng ganito. Akala ko hindi talaga siya papayag. Akala ko mapapahiya muli ako sa harapan niya gaya ng nangyari kanina. “Thank you for letting me dance with you,” I whispered in her ear when we got to the middle of the dance floor. Nag-thumbs up pa sa akin ang mga kaibigan ko nang lumingon ako sa kanila dahil narinig ko ang kanilang pangangantiyaw. Pinakita nila na full support sila sa amin ni Jelsea. Ngumiti ako ng maluwag sa kanila dahil doon. Nawala lang bigla ang ngiti sa mga labi ko nang tumama ang tingi