Jelsea's POV Palalim nang palalim ang ginagawang paghalik ni Master Walden sa akin. Gaya ng paghalik niya sa akin noon, hindi ko rin alam kung ano ang magiging reaksyon ko ngayon. Blangko na naman ang utak ko. Lumipad na naman ito sa kung saan at hindi ko alam kung kailan ako nito babalikan. Ang sarap niya kasing humalik. Swabe at parang inaakit akong gumanti. Siyempre hindi naman ako gaganti dahil hindi naman ako marunong. Nahihiya rin ako dahil baka hindi tama ang stroke ng mga labi ko lalo na wala naman akong karanasan kahit kanino. Pangalawang halik ko pa lang ito at gaya ng nauna, para lang akong tuod na sa harapan niya habang halos laplapin na niya ang buong labi ko. “Hmnn…” ungol na hindi ko mapigilan na umalpas sa aking bibig nang mas lumalim pa ang mga halik niya sa akin. Naipa