Jelsea's POV Hindi ko alam pero ang sama ng pakiramdam ko nang magising ako kinabukasan. Hindi ko rin alam kung bakit kinakabahan ako na hindi ko maintindihan. Nagising na lang ako na ganito ang mga nararamdaman ko. Maybe this is my bad day. Iyong puro kamalasan ba ang mapapala ko ngayon kaya dapat mag-stay lang ako sa bahay para hindi mapahamak. Napatingin ako sa maliit na kalendaryo na nasa side table ng kamang hinihigaan ko. Napangiwi ako nang makita ko ang date ngayon, Friday the thirteenth pala. Kaya pala. Mukhang puro kamalasan nga ang mangyayari ngayong araw kaya kailangan ko ng ingat. Kinapa ko ang ilalim ng higaan ko para tingnan ang cellphone na tinatago ko. Wala naman si Master Walden ngayon buong araw kaya magagawang kong kausapin sina Daddy at Mommy. Pwede rin akong makipag