Chapter 44 Pupungas-pungas pa si Nicolette nang lumabas siya sa kwarto niya, suot ang isang manipis na kamiseta. Her hair is as messy as hell. Katatapos lang niyang magsusuka sa banyo matapos siyang magising. Alas tres ng madaling araw kanina nang ihatid siya ni Hunter sa bahay. Tulog ang mga magulang niya at hindi na rin naman niya ginising pa. Tuloy siya sa kwarto at humilata na lang dahil pakiramdam niya ay pagod na pagod siya kahit na natulog lang naman siya. She stopped in the middle of the living room when she noticed her mother. Paikot-ikot ito sa kusina at ang dami-dami yatang iniluto na pagkain. Sobra yata iyon sa kanila at bakit sa pakiramdam niya ay may darating na bisita. “Gising ka na pala. Halika na at uminom ka na ng gatas mo.” Alok ni Adeline sa dalaga na napahaw