Chapter 43 Gimbal si Lorenzo nang sa biglang pagbubukas niya ng pintuan ng kotse sa condo ay nagbabagang kamao ang sumalubong sa mukha niya. He fell out of his balance but managed to grab his stance. Kauuwi pa lamang niya galing sa party pero bakit may bumubugbog sa kanya? “Jesus, wait!” sangga niya sa lalaking gustong humawak sa kanya at napaunday din siya ng suntok, hindi nagpatalo sa dalawang lalaki pero laking panghihilakbot niya nang lumabas mula sa may isang itim na van si Vlad. His supposed to be punch was immediately held up in the air when he saw Nicolette’s father. “Vlad…” anas niya sa balae na walang simbalasik ang mukha habang nakatingin sa kanya. Galit ang nakaguhit sa palakaibigan na mukha ng lalaking minsan niyang nakilala at nakasama. Wala itong imik na lumapi