Chapter 36 He had watched her go though for him, it’s the most painful thing he had ever experienced in life. Nakasilip siya sa bintana nang makita niyang sunduin ni Lucy si Nicolette, lulan ng isang taxi. Akala niya ay simula na ng pagkakaroon ng katuparan ng lahat ng gusto niyang mangyari pero hindi pala. Mali nga ang ginawa niya at akala niya ay madadala sa pikot si Nicolette, hindi pala. Ngayon, alam na niya kung gaano kasakit ang maiwanan tulad ng ginawa niya noon kay Valentines. Pero iba ang noon sa ngayon. He doesn’t have a choice. He has to leave again. Hindi kanya ang bahay kahit na siya ang gumastos ng lahat hanggang sa pinakamaliliit na gamit doon. Bigay na niya iyon at wala na siyang magagawa. Maybe, he has to give the girl a little space. Perhaps he’s forcing himse