Chapter 37 “Dapat sinabi mo kaagad sa akin na lalayas siya. Sana hindi siya umabot sa airport nang buhay!” gigil na naman si Nicolette sa kaibigan niyang Lucy na hahabol-habol sa kanya sa pasilyo ng LC. Ang nakapagtataka ay iika-ika siya pero mas mabilis pa siya ritong maglakad. “Masyado ka naman magsalita. Kung alam mo lang ang ginawa mo kagabi, baka kamo sarili mo ang tsugiin mo.” Irap nito sa kanya kaya sukat doon ay napatigil siya at hinarap ang kaibigan. “Anong alam ang ginawa ko? Ano ba ang ginawa ko?” titig na titig siya at bakit para siyang kinabahan sa sinabi nito? “You kissed him and mistook him for your husband. Ikaw ang nanghalik sa kanya at ibinigay lang niya ang—” “What?!” she was frozen but immediately composed herself. “K-Kahit na. Lasing ako pero mas mukhang la