Chapter 38 Oh no… Makailang ulit na nagpalit-palit ang tingin ni Nicolette sa papel na hawak niya at sa lalaking kaharap na si Felix. Sinadya siya ng lalaki sa bahay niya para lang ibigay ang mga papeles na kung anu-ano ang nilalaman. “Will you clear my mind.” Taas noo siya sa lalaki at mainit ang ulo niya. Hindi pa siya nireregla at kahapon ay parang binibiyak ang balakang niya habang nasa opisina. Suddenly, bakit parang ang sikip ng palda niya? Pilit niya lang iyon na pinagkakasya pero ang nakapagtataka ay dati naman ang sukat ng baywang niya pero parang malapad ang kurba. “It’s clear. You are a shareholder of LC, forty percent of all the shares.” Pormal na sagot ng lalaki sa kanya kaya lumaki ang butas ng ilong niya. “At para saan ito? Kapalit ng lahat ng katarantaduhan n