Chapter 31 Parang bata na napausog si Nicolette sa malaking katawan ni Lorenzo nang makarinig siya ng mga huni ng kung anu-ano sa paligid. Parehas silang nakaupo sa loob ng mosuleyo at naghihintay na tumila ang ulan. Hindi niya gustong mapasiksik pero nagsipagtayuan ang mga balahibo niya. “Huwag kayong assuming. I don’t like this position.” Patiuna na niya rito dahil baka isipin nito ay gustong-gusto niyang sumiksik sa mainit nitong katawan. Pero may mali. Bakit panatag siya sa halip na makaramdam na nasa peligro ang iniingatan niyang puri? “I’m not assuming because this is actually happening. Whatever you say, you’re still leaning in on me.” Anaman nito pero siya ay palinga-linga sa paligid hanggang sa mapatingin siya sa lapida ni Ziggy na may picture pa. Malungkot siyang ngum