Chapter 30 Playlist: Bakit Labis Kitang Mahal? “Kumusta naman ang paglalagi mo sa mansyon kasama ang anak ko, pare? Hindi ka naman ba nakukunsumi riyan?” nakangiting lingon ni Adeline kay Lorenzo habang parehas silang nakatingin kay Nicolette. Namimigay ang dalaga ng mga relief goods sa batang paslit, mga kapos-palad at mga taong wala yatang permanenteng tirahan. Tapos na ang misa at iyon pala ang sadya ng mag-ina sa simbahan, ang mamigay ng relief galing mismo sa bulsa ng mga magulang nito. Kung alam lang niya, sana nag-donate siya kahit na kalahating milyon sana. “She’s fun to be with. I like her so much.” Diretsong sagot naman niya sa nanay ng dalaga. Iba na ang ibig niyang sabihin pero mukhang wala pa itong napaghahalataan sa intensyon niya at mukhang wala pa ring alam s