Chapter 29 “Aalis ako.” Tumaas ang kilay Nicolette kasama pati noo nang sabihin niya iyon kay Lorenzo. Nasa lanai ito at umiinom ng kape kahit na alas nueve na ng umaga. Parang kagigising lang nito dahil magulo pa ang buhok at mukhang singkit pa ang mga mata. Mula sa tasa ay napunta sa kanya ang mga mata ng beyanan niya na manliligaw na niya ngayon. Correction, umaari na pala sa kanya. Mahigpit niyang hinawakan ang strap ng shoulder bag na suot at iirap-irap na nakaposing. “Where to?” hindi na nito naituloy ang tangkang pag-inom ng kape. “The hell you care!” she snapped but she was also shocked. Natutop niya ang bibig at kumurap kaya naman nangiti si Lorenzo sa inakto niya. “Of course I care.” “No you don’t.” Ingos niya ulit. “Besides, pwede naman na hindi na ako magpaalam s