PINABAGSAK ni Beazt ang mga nanggulo sa park at kasunod noon ay ang pagsigaw ng mga batang naroon na astig daw ang ginawa nito. Ang mga tao ngang nakasaksi sa nangyaring iyon ay nagulat dahil inakala nilang walang ibubuga ang lalaking ito dahil hindi maayos ang kasuotan ng binata. Subalit nagkamali sila. Naging madali ang pagtalo ni Beazt sa mga ito nang mapalabas niya ang kanyang kakaibang kulay ng aura. Mas nagulat nga rin ang mga nakasaksi roon dahil ngayon lang sila nakakita ng ganoong uri ng liwanag mula sa isang indibidwal. Mas lalong nagustuhan ng mga batang naroon ang binata nang marinig nila na gusto nitong maging pinakamalakas na Hero sa mundo. Sa isip ng mga bata ay ang galing-galing ni Beazt, at kaya sila nitong protektahan dahil sa ipinakita nito sa mga ito. Nagdat

