SA PAMAMAGITAN ng isang napakalaking bola ng itim na enerhiya, nagawa ng Oni na nagmula sa Samael Legion na burahin sa isang kisap ng mga mata ang pinakamalakas na siyudad sa mundo na Helcs. Makikita pa mula sa itaas ang naglahong siyudad, ito ngayon ay puro lupang nauka na lamang at makikita ang pag-angat ng mga bakal na nakabaon sa lupa na nagsilbing pundasyon sa anumang dating bahay o gusaling nakatayo rito. Marami ngang buhay ang nawala at karamihan sa mga ito ay walang kamalay-malay sa mangyayaring iyon. Ang kalangitan sa buong siyudad ng Helcs ay nababalot ng napakakapal na maiitim na ulap at ni isang liwanag ay walang makapasok dito. Panay rin ang kulog at kidlat sa bawat lugar. Ganoon din ang pagragasa ng malalakas na hangin sa buong siyudad. “Kagaya ng utos ng Panginoo

