NAPATAYO mula sa kinauupuan si Lucifer nang maramdaman ang paglapit ng binata sa kanyang kubol sa dulo ng kanilang kuta. Sinubukan pa itong hadlangan ng mga demons na narito, subalit, nagsalita ang kanilang pinuno na hayaan lang ito. Makikitang mahaba ang buhok ni Lucifer, at makikita rin ang malaking pilat sa kanang pisngi nito. Mapapansin ding putol ang kanang braso nito at nababalot ang katawan nito ng mga markang sumisimbolo sa kung ano-anong may kinalaman sa kanilang lahi. Mapapansin din sa tagiliran nito ang isang espadang may kakaibang talim. Nagliwanag nga ang pula nitong mga mata at makikita ang mahaba nitong sungay. Sa paghakbang nga nito ay sumusunod dito ang isang mahina subalit malakas na Black Aura. “Maligayang pagdating binata,” sabi ni Lucifer at biglang kumawal

