SI VULCAN ay pinasadahan ng tingin ang babaeng may asul na buhok sa kanyang harapan. Mula ito sa mga paa patungo sa ulo ni Freya. Napapangisi nga lamang siya matapos iyon dahil isa palang magandang babae ang kanyang nakasalubong. Bigla niyang naisip na isang magandang pampainit ito bago siya maghanap ng mga kalabang mas malalakas. Marahang iginalaw-galaw ng lalaking demon na ito ang kanyang hawak na espada at sa muli niyang pagtingin sa dalaga ay mabilis niya itong nilampasan. Kasunod noon ay ang pagkapunit ng pang-itaas ni Freya dahilan upang lumantad ang makinis nitong tiyan at ang ilang bahaging malapit dito. Isa ring pagngisi ang bumakas sa labi ni Vulcan matapos iyon at matapos iyon, ay naramdaman niya ang papalapit na sa kanyang umaapoy na suntok ng kanyang kalaban. Mabilis n