“PINAHANGA mo ako sa ipinakita mo Beazt. Talagang wala kang kinatatakutan...” “Mukhang hindi magiging madali ang pagganti ko sa iyo... pero huwag kang mag-alala dahil uunti-untiin kita,” nakangisi pang sinabi ni Bazil habang iginagalaw-galaw ang dalawa niyang mga kamay na kasalukuyang dinadaluyan ng itim nitong aura. Ramdam naman ni Beazt ang paglamon ng itim na aura ni Bazil sa kanyang sariling aura, pero naisip pa rin niya ang posibilidad na ito ay kanyang mahigop. Kahit nga hindi pa niya alam kung paano ito gamitin, ay may tsansa pa ring gumana ito sa oras na hindi niya inaasahan. Ikinuyom na niya ang kanyang kamao. Kanina pa siyang handang-handang lumaban at ang una niyang laban ay si Bazil. Kakaiba rin ang naramdaman ni Beazt magmula nang pumasok sila sa lugar na ito. Ramd