NANG tatama na ang malakas na suntok ni Zargus sa dalawa ay isang hindi inaasahang bagay ang biglang mararamdaman ni Speed. Biglang lumabas sa kanyang isip na magagawa nilang makaligtas mula sa malakas na kalabang kanilang kinakaharap nang oras na iyon. Siya mismo ang gumawa ng hinaharap para sa kanilang kaligtasan. Gumana ang kanyang ability sa hindi niya inaasahang pagkakataon. Ang labis na sakit sa kanyang katawan ay unti-unting naglaho at nang maramdaman niyang maayos na ang lahat ay mabilis niyang hinawakan si Ryzen. Ramdam ni Speed ang malakas na kapangyarihang ibibigay ng suntok ni Zargus... ngunit kasabay rin noon ay ang paglalaho nilang dalawa. Isang karagdagang ability ni Speed ang nagising. Dahil sa kagustuhan niyang makaalis... nagawa niyang mag-teleport patungo sa hind