ISANG NAPAKADILIM na lugar ang bumungad sa lahat ng mga nasa loob ng koloseyo. Wala silang kaalam-alam na nasa loob na pala sila ng isang napakalaking hawla na kaya silang ilagay lahat. Wala silang nakikita subalit maraming mga demons ang kasalukuyang pinapanood sila. Nakapalibot ang mga ito sa kanila at wala silang kaalam-alam sa nangyayaring ito. Napuno ng ingay at nangibabaw ang pag-iyak ng marami nang mga oras na iyon. Para silang mga bulag at tanging ang kanilang pandinig lang ang gumagana nang mga oras na iyon. Ang malalakas na indibidwal na kasama nila ay sinubukang palabasin ang kanilang mga aura, subalit nabigo sila. “Ano’ng nangyayari? Sumagot kayo! Ako ito si Kuro!” malakas na winika ni Kuro sa gitna ng maingay na paligid. Umaasa siyang may sasagot sa kanyang pagtawag ka