60. Awakening

2226 Words

NARAMDAMAN ni Rui ang tigas ng kamao ni Beazt nang harapin niya ito. Hindi iyon isang normal na suntok lamang dahil nagawa nitong alisin ang ilan sa kanyang mga ngipin at nakaramdam din siya ng tila pagkabali ng buto niya sa kanyang ilong dahil dito. Sinubukan niyang labanan ang pwersa noon ngunit nangibabaw ang kirot na dulot nito, dahilan nga ito upang siya ay magawang mapatalsik ni Beazt nang ilang hakbang mula sa kanyang kinatatayuan.   “P-paano niya ako nakita?” Ito ang naitanong ni Rui sa sarili niya nang bumagsak siya nang pahiga sa lupa. Kasalukuyang kumikirot ang kanyang mukha at ramdam niya ang sakit noon na halos ikamanhid ng parte niyang ito.   Pero sa kabila noon ay tila wala lang ito kay Rui na buong lakas pa rin na bumangon sa pamamagitan ng pagpapaangat sa kanyang baywa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD