NAGPAALAM si Rui sa kanyang mga kasamahan bago magsimula ang laban nina Beazt at Vlahd sa ibaba. Sinabi niyang kailangan niya lang pumunta sa banyo dahil kanina pang masama ang kanyang sikmura. Tumango naman si Hellio na napansin din ito sa kasamahan niya kanina nang sila ay nasa pagpupulong. “Hellio, lalabas lang ako saglit,” bigla namang sinabi ni Ryzen na napatingin sa kasamahang kasalukuyang nakalagay ang kamay sa buhok ng kapatid nitong babae. Sinulyapan siya ni Hellio at pagkatapos noon ay tahimik nang umalis si Ryzen. Kasabay rin noon ay ang pagsisimula na ng laban sa ibaba. Pasimple rin siyang napasulyap kay Beazt at pagkatapos ay sa entablado sa kabila ng koloseyo naman siya tumingin. “Zargus... Ano ang gagawin mo kung sakaling masira ang plano mo?” tanong ni Ryzen sa