NANG pumunta na ang labing-anim sa battle arena ay dito na nagsimulang mag-ingay ang crowd. Makikita rito ang napakaraming bilang ng mga manonood at makikitang okupado na ang lahat ng mga mauupuan dito. Napa-ikot nga ng tingin si Beazt sa mga nasa koloseyo dahil ngayon lang siya nakakita ng ganito karaming tao sa buong-buhay niya. Hindi niya alam kung ano ang kanyang mararamdaman kaya napakuyom na lamang siya ng kamao nang oras na iyon. “Galingan ninyo Beazt! Freya! Enma! Luke!” malakas na sigaw nina Claude, Shilva at Odessa habang ang mga kasamahan nila sa dormitoryo ay kinawayan sila mula sa pwesto ng mga ito. Tanging si Enma lang ang pumansin sa mga ito habang ang tatlo naman ay tiningnan lang ang mga kasamahan nilang iyon. Malalakas na cheer naman ang sigaw mula sa Demon Or