MATAPOS ang nangyaring pakikipag-usap ni Speed sa isa na namang Purif 8 na bigla na lamang lumitaw mula sa kung saan ay tila naging seryoso siya sa hindi niya malamang dahilan. Bumabalik sa isip niya ang mga sinabi nito, at ang mga ibinunyag ng nagngangalang Ryzen ay napakahirap paniwalaan para sa kanya... ngunit parang may kung ano siyang pakiramdam sa kanyang sarili na ang bagay na iyon ay posible ring totoo. “Si sir Zargus... Isang Demon?” “Ako? Isang Demon?” Nabigla na lang si Speed nang bigla siyang hampasin ni Leonora na kanina pang tinatanong sa kanya kung nadala na ba niya ang orders ng mga costumers nilang nanonood ng laban sa harapan ng koloseyo. “Speed! Kanina pa kitang tinatanong. Ano!? Sumagot ka!” malakas na bulyaw sa kanya ni Leonora habang mabilis na hinihiwa a