NAGPATULOY ang Tagisang nagaganap sa loob ng koloseyo. Naging maganda ang ikalawang laban pero sa huli ay tinalo ng isang fourth year ang katunggali nitong second year. Sinundan naman ito ng laban ni Freya Manchester na ikinaingay ng mga manonood dahil anak ito ng Fireman. Seryosong bumaba ang dalaga at dahil kasama niya ang kanyang kapatid ay parang nawalan siya ng ganang lumaban dahil sa takot niya rito. Isa pa, natalo kaagad si Beazt sa laban nito. Gusto niyang makalaban ang binata upang malaman niya ang kanyang kakayahan, subalit imposible na itong mangyari dahil sa nangyari. Isang third year ang kanyang makakalaban at makikitang malakas ito dahil puno ito ng kompyansa sa sarili. “Ikaw pala ang anak ni Sir Kuro... Ikinagagalak kitang makalaban,” sabi ng lalaking makakalaban