Matapos ang nangyari ay pinauwi na muna ako ng parents ko sa amin para makapag pahinga. Papalabas na ako ng kumpanya ng may humablot sa akin bigla at hinila ako papunta sa kung saan. Nagpupumiglas naman ako sa hawak n'ya. Nakatalikod kasi ako kaya hindi ko nakita agad ang mukha ng lalaking humablot sa akin. "Ano ba bitawan mo 'ko at nasasaktan ako. " pasigaw ko rito at hinampas ang kamay nitong nakahawak sa akin. " It's me," sagot ni Caleb. Napatigil ako saglit sa pagpupumiglas sa hawak nito sa akin. " Anong kailangan mo?" Malamig kong tanong sa kanya. " We need to talk," sabi niya. " Hindi pa ba tayo nag-uusap?" balik kong tugon sa kanya. " Makinig ka muna sa akin ng maayos. Dahil mali ang pagkakaintindi mo sa sinabi ko kanina!" Mahinahon niyang tugon. " Bakit ko naman kailangan