Dahil may lalakarin pa ang mga magulang ni Caleb kaya tumayo na ang mga ito para magpa-alam sa amin dahil mayroon pa raw silang dadaluhan na meeting para sa paghahanda sa nalalapit na event ng Children's home care foundation na sila din ang nagtayo. Ayon sa sinabi ni Caleb ito ay itinatag bilang suporta sa mga batang namatayan ng mga magulang o mga naulila na mga batang iniwan sa bahay- ampunan at ang mga batang ikinupkop mula sa lansangan o sa madaling salita mga batang palaboy-laboy at wala ng uuwian. Every year daw nila itong ginagawa at dahil bukas na ang ika - 10th year anniversary mula ng buksan ito sa publiko ay puspusan daw ang kanilang paghahanda. "Nice meeting you again hija! I hope next meeting natin ay makapag bonding tayo ng mas matagal-tagal pa. Biglaan lang kasi ang meet