Kanina pa ako na nasa loob ng aking kwarto, minsan ay nagpagulong-gulong ako sa aking kama. Minsan naman ay uupo ako sa tapat ng salamin at kinakausap ang aking sarili at kung minsan ay palakad-lakad lang sa kwarto. Para akong kiti- kiti- dahil hindi ako mapakali. Iniisip ko pa rin ang nangyari kanina sa loob ng sasakyan ni Caleb at habang naa-alala ko ang sinabi nito ay kumakabog pa rin ng malakas ang ang puso ko. Lalo na sa nagawa kong kapangahasan kanina. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at dumiretso sa harap ng salamin ng aking kwarto. Pinagmasdan ko ang aking reflection at kitang kita ko na naging kulay kamatis na ang pisngi ko sa sobrang pula nito. Tinapik-tapik ko ang aking pisngi habang inaalala ko ang paghalik ko rito. Hinawakan ko ang aking labi habang ngumingiti na parang