Matapos kong makuha ang tiwala ng investor ay naging maayos ang pagtatapos ng usapan namin. Mabuti na lang at na-impress sa akin kanina ang asawa nito kaya nakumbinsi itong mag-invest. Ang akala ko nga kanina ay matatapos na lang ng ganun-ganun lang. Buti na lang at mabait ang nasa itaas dahil nai-guide ako.
Kahit papaano ay may magandang balita naman akong maihatid sa parents ko at maibsan ang mga alalahanin nito. Ang negosyo kasi ng pamilya ay hindi lang ito basta negosyo lang. Legacy kasi ito ng pamilya kaya dapat naming alagaan at protektahan. Hindi ko rin plano na makuha at sirain ng ibang tao ang pinaghirapan ng pamilya ko.
Kaya't dali-dali akong nag-text sa parents ko kanina para ihatid ang magandang balita sa kanila.
Matapos ang naging meeting na iyon ay sumunod naman kaming dumalo sa iba pang naka-schedule na trabaho ni Dad.
Hindi pa natapos ang kalahating araw ay sobra na akong drained dahil sa sunod-sunod na meeting na nangyari. Halos hindi ako maka-ihi at makapag- water break para lang matapos ang naka-schedule sa araw na ito.
Mabuti na lang nang matapos ang launch meeting, kahit papaano ay nakapag-pahinga ako ng kaunti at napilit naman nila akong sumabay sa kanilang mag lunch. Kaya heto at least bumalik ulit ang energy ko para sa susunod ko pang meeting mamayang hapon.
Dumiretso ako sa opisina para sana umidlip kahit ilang minuto lang kaya lang pagpasok ko pa lang sa opisina ni Dad ay sinalubong ako ni Mrs. Saycon.
" Ms. Fernandez, ipapa-alala ko lang ang meeting niyo sa School ni Shannon Ace," Ani n'ya sa akin. Tumango ako bilang tugon ko rito.
Dahil may 45 minutes pa akong allowance ay nagpasya akong sa kotse na lang ako iidlip. Nagmamadali na akong naglakad at dumiretso sa elevator pababa papunta sa parking lot.
Pagbukas ko ng pinto ay agad kong binuksan ang aircon ng kotse at nagpa-alarm ako ng 12:40pm dahil hindi ko na kaya pang pigilan ang pagbagsak ng talukap ko. Sinigurado ko munang nakasara na ang pinto ng sasakyan bago ko tinakpan ang aking mata nang sa ganun ay makatulog ako agad.
Kasalukuyan akong nagmamaneho papuntang school ng mga kapatid ko dahil sa gaganaping Homeroom Meeting ng bunso naming si Shannon. Actually parents ko naman talaga ang dumadalo sa mga meeting namin dati at sa kahit ano pang-events that we had in school. If there some cases na hindi nakaka attend ang parents ko ay 'yun lang 'yong mga pagkakataon na may pino-problema sa negosyo gaya sa nangyari ngayong araw.
Papaliko na ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Buti na lang naka connect ang aking cellphone sa Bluetooth ng car speaker kaya hindi na ako mahirapan sumagot. Nakita ko na ang kapatid kong si Shannon ang caller.
"Hello! Shan," sagot ko sa kabilang linya.
"Ate Shine, hindi raw makakadalo ang Daddy sa meeting dito ngayon sa School. Sinabihan ko pa naman s'ya ahead of time regarding sa meeting nato," ani nito sa malungkot na boses.
Kahit hindi ko nakikita ang kapatid ay alam kong naiiyak na ito sa sobrang disappointment.
" Sino na ang aatend sa akin ngayon?" dagdag pa nito sa nanlulumong boses.
" Huwag kang mag-alala Shan, ako ang dadalo ngayon sayo sa Homeroom meeting n'yo. Hintayin mo ako at malapit na ako d'yan, " sagot ko naman sa kanya.
" Talaga, Ate?" Ani nito na parang nabunutan ng tinik dahil sa pag-aalala." Okay hihintayin kita doon sa Gate 2, see you then, Ate. " Masaya nitong sabi nang nabuhayan ito ng loob.
" Okay, see you." sagot ko naman sa kanya at in-off ko na ang tawag saka ibinaba.
Nang dumating na ako sa School ay kinawayan na ako ni Tatay guard na matagal ko na ring kilala at sinenyasan akong idiretso kong ipasok ang sasakyan. Sa tagal ko na rin na nag-aaral dito ay talagang may mga taong nagiging parte na rin ng buhay natin. Kahit pansamantala lang silang naging bahagi ay meron naman silang na-iambag sa kung sino tayo ngayon. Lagi kasi nito akong nakikita dati na nag-iisang nag-aabang ng sundo sa unang taon ko pa lang sa School na 'to. Kaya sa halip na mag-abang ako sa labas ay ipinapasok ako sa loob kung saan ito sumisilong nang sa ganun ay doon ako mag-antay. Malugod namang nagpapasalamat ang parents ko sa pamilya nito.
Sa katunayan bilang pasasalamat ng parents ko kay Tatay ay tinulungan nina Mommy at Daddy na magkaroon ng scholarship ang mga anak nito na labis namang ikinatuwa ng mag-asawa. Hindi ko pa rin makalimutan ang panahong 'yon nang nangkita at na-experienced ko first-hand kung gaano nila ito ikinatuwa.
Mula noon ay lagi na akong nag-iipon sa mga allowance na ibinibigay ng parents at grandparents ko. Dahil gusto kong magpatayo ng foundation para sa mga kinakapos na mga mag-aaral. Iyon bang nakapag-aral nga sila pero halos wala naman na itong makain dahil nasa school project lahat napunta ang pera ng mga ito. Doon ko kasi napagtanto ang bagay na iyon mula nang nakilala ko ang mga anak ni Tatay. Masipag kasing mag-ara ang mga bata kaya lang dahil sa kapos nga ang mga ito ay mas pinili pa ng mga bata na kumain ng lugaw na walang lasa kaysa gastusin ang perang ibinigay na pambaon ng mga magulang nito. Dahil kahit sa murang edad pa lang ay naiintindihan na ng mga bata na nagsusumikap ang mga magulang nito para maitaguyod lang ang pag-aaral nila. Dahil din sa kanila ay na-inspire ako at naisipang magpatayo ng foundation.
" I'm glad na unti-unti ko na ring napapatayo ang foundation na iyon," masaya kung usal sa sarili.
Kahit malayo pa ay nakita ko na ang parking area na nakalaan sa amin na may sign board na Dela Cuesta - Fernandez parking space.
Hindi rin kasi maikakaila ang mga nai-ambag ng buong pamliya ko sa School na 'to. Dahilan nang pagkakatanggap namin ng special treatment. Active kasi family namin sa pag sponsor sa mga klase-klaseng event na ginagawa either inside or outside the campus. Kahit ayaw naming tanggapin ang pabor na ibinibigay nila ay wala kaming nagawa dahil ini-insists pa nila ito.
Actually ang Dela Cuesta talaga ang nagsimula nito. Ipinagpatuloy lang ng parents namin ang nasimulan nila hanggang sa nakasanayan na.
Kinawayan ako ni Sham nang nakita n'ya ang sasakyan ko na papalapit. Nakatayo ito malapit sa parking space. Doon ko inihinto ang kotse malapit sa kinatatayuan niya. Pagkalabas na pagkalabas ko pa lang mula sa sasakyan ay hinila agad ako ni Shan papunta sa building ng classroom nito.
Habang naglalakad kami ay may mga bumabati sa akin na mga kakilala kong mga junior ko sa School paper publication at maging sa mga kasamahan ko sa Students Council.
"Hi! Ms. President," pagbati nila sa akin. Nginitian ko naman ang mga ito. Nakasanayan na kasi nila na tawagin akong Ms.president, mula nang sunod-sunod ang pagkapanalo ko sa klase-klaseng school organization na sinasalihan ko during High School at College days. Those were the happiest, kasi kahit wala akong matatawag na best friend or mga kaibigan noon at least, pakiramdam ko ay lumawak ang mundo ko. Hindi kagaya nang grade school ako na nasa bahay lang talaga ako the whole day.
Yes, naka gain ako ng popularity sa School bilang nerd. Pero okay lang sa akin at least hanggang doon lang ang alam nila.
Pagpasok namin sa classroom ay medyo punuan na kaya dumiretso na kami ni Shan sa upuan nito at sa nakatabing upuan naman ako umupo.
"Good afternoon, Parents and Guardians, Welcome to the Homeroom Meeting of Class 2017," pagsisimula ng class adviser nila. Matapos ang mahabang usapin ay nagtapos naman ito sa pagkakaroon ng set of officers.
"I highly nominate, Ms. Fernandez for president," lahat ay sumang-ayunan pero tinanggihan ko naman ito ng maayos.
"Salamat po sa tiwala n'yo, but I'm afraid na tatanggihan ko po ang posisyon na 'to dahil marami pa kasi akong mga responsibilidad na nakaatang po sa akin ngayon. Pero 'wag po kayong mag-alala dahil sisiguraduhin ko po na susuportahan namin ng pamilya ko ang anumang gagawin ng mga opisyales natin sa ikabubuti ng mga bata."
Sabi ko sa kanilang lahat habang tinapunan ko naman ng tingin ang kapatid ko na katabi ko lang ng upuan at binigyan naman niya ako ng pang-unawang tingin. Matapos magkaroon ng official na Homeroom parents officer ay natapos din ito ng eksaktong 3:00 pm.
Nagmamadali akong nagpa-alam sa kapatid kong si Shan dahil may susunod pa akong meeting na pupuntahan.
Naglakad na ako papunta sa parking ng school ng nakita ko si Snow na may hinahabol na lalaki papasok sa college building ngunit dire-diretso lang ang lalaki sa paglalakad. Kaya sa halip na dumiretso ako sa sasakyan ay pinagmasdan ko muna si Snow at ang likod ng lalaki. Bagama't pamilyar ang hubog at tindig ng lalaki kaya lang hindi ko matukoy kong sino ito. Naabutan ito ni Snow at hinarangan ang dinadaanan ng lalaki at may inilabas na sobre sa bulsa ang kapatid ko na may guhit na parang hugis puso at pilit na binibigay ito sa lalaki. Subalit ayaw naman itong tanggapin at lumihis pa sana ng dadaanan ngunit mabilis na hinawakan ni Snow ang braso nito subalit pumiksi naman ang lalaki sa hawak ng kapatid ko kaya hindi sinasadya na matulak at matumba si Snow sa sahig.
" What the heck," pagmumura ko ng makita kong iniwan lang ang kapatid ko at hindi man lang ito tinulungan na makatayo.
Sa sobrang gulat ako ay hindi agad ako nakapag-react. Nang mahimasmasan ako sa nakita ay lapitan ko na sana ang kapatid ko ngunit biglang nag ring ang cellphone ko.
Kinuha ko ang cellphone mula sa aking bag at sasagutin ko na sana ang tawag kaya lang biglang nag-off ang call. Ngunit tumunog ulit ito.
"Lintek na caller na ito, napaka persistent." sa naiirita kong usal sa sarili.
"Hello! Sino to?" tanong ko sa kabilang linya ng hindi ko tinitingnan kung sino ang caller.
"Nasaan ka na? Kanina pa ako naghihintay sayo rito sa opisina mo," tanong sa kabilang linya sa tono at paraan pa lang ng kanyang pagtatanong ay alam mo na kung sino ang poncio pilato na tumatawag.
"Napaka bossy talaga ng Kulogo na to."
Sa napairap kong usal sa sarili.
"Nandito pa ako sa school ng mga kapatid ko." sagot ko tapos ibinaba ko agad ang tawag. Napabuntong hininga ako. Kung hindi lang namin kailangan ang expertise nito ay nunkang papayag ako. Dahil ngayon pa nga lang ay mauubusan na ako ng dugo sa kanya.
Dumiretso na ako sa sasakayan ko at doon naghintay. Pagkaraan ng 15 minutes ay kumatok si Tatay guard sa salamin ng sasakyan ko.
"Hija, pinapalabas ka na ng nobyo mo," Ani ni Tatay. Ngunit napakunot ang noo nito." Kailan ka pa nagkaroon ng nobyo? Alam na ba ito ng mga magulang mo?" Seryosong tanong sa akin ni Tatay.
" Hindi ko po siya nobyo, Tay," paliwanag ko rito. Tumango naman ito at sinabihan akong mag-ingat daw sa mga lalaking matatamis lang ang dila pero walang sincerity.
" Sige na, ako na lang ang magsasabi mamaya sa driver n'yo 'pag sinundo na ang mga kapatid mo." Ani nito sa akin ng napansin niya akong tinitingnan ko ang kotse ko.
"Sige po, Tay, salamat!"
Bumaba na ako sa sasakyan at naglakad palabas ng gate at nakita ko ang kanyang sasakyan na Bugatti Chiron na kulay black sa gilid naka park.
"Talagang napakamainipin ng kumag na to. Haisst! Sinilbatuhan ba naman ako! ayaw man lang maghintay. tsk..tsk.. " napapailing ako habang pumapalatak sa sobrang pagka-irita sa lalaki.
Sinadya ko na lang na bagalan ang paglapit sa kanya kaya pagbukas ko ng pinto sa kanyang sasakyan ay halos hindi maguhit ang pagkasimangot ng kanyang mukha. Kaya napatawa na lang ako sa aking isip.
" Buti nga sa kanya. " with an evil smirk.
Pagkaupo ko ay inayos ko agad ang seatbelt ko at ng matapos kong ikabit ay lumingon ako sa gawi nito. Saktong paglingon ko sa kanya ay ang paglapat ng mga labi n'ya sa akin. Ang akala kong aksidenteng halik lang ay hindi pala dahil naghahanap ng tugon ang klaseng halik na pinaparanas niya sa akin. Hahawakan ko sana ito hindi niya ako hinayaan na mahawakan siya at para bang pinaparusahan n'ya ako sa pamamagitan ng halik na ibinibigay nito sa akin. Dahil galit din ako sa kanya hindi ko ito hinayaan sa gusto nitong mangyari.
Naramdaman ko na ang pilit pagpasok ng dila nito sa akin ngunit hindi ko pinahintulutan. Ang akalang kong matagumpay na plano ay hindi nangyari dahil ay lahi yata itong bampira dahil kinagat ba naman ni Caleb ang gilid ng bibig ko dahilan para malayang makapasok ang kanyang dila at nakipag-espadahan sa akin.
Hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng kontrol sa aking sarili at nawalan ng huwisyo sa klase-klaseng sensasyon na pinaparanas nito sa akin. Hindi naglaon ay narinig ko ang tunog ng pag-unlock ng seatbelt at lumuwag din ang seatbelt ko at kinarga ako at inilagay sa kandungan nito. Mas lalong naging mapusok ang klaseng halik na ipinaparanas nito sa akin. Dahan dahan na itong humahaplos sa balat ko at para akong nag-aapoy sa klase-klaseng bultaheng kuryenteng nararamdaman ko. Ipina-ikot ko na ang dalawa kong braso sa leeg nito at kung saan-saan na dumadapo ang kamay ni Caleb sa aking katawan. Halos mawalan na ako ng ulirat sa pinaparanas nito sa akin. Hindi pa sana sya titigil kung hindi ko pa s'ya nilayo sa akin.
Narinig ko kasi na may kumatok sa sasakyan kaya dali-dali akong lumayo kay Caleb. Mabuti na lang at tinted ang sasakyan dahil kung hindi ay klarong-klaro na kami kung ano ang ginagawa namin sa loob.
Tumigil naman siya. Inayos ko muna ang sarili ko at ganun din ito. Pinaandar muna nito ang kotse bago ako hinalikan ulit nang mabilis sa labi. Nagseryoso na ito at ibinalik ang tingin sa daan at pinaharurot ang sasakyan.
"Napag - isipan mo na ba ang sinabi ko sayo." pagbubukas niya ng usapan habang busy ako sa pagtingin - tingin sa dinaanan namin kaya napakunot ang noo ko.
"Saan mo ba ako dadalhin? Akala ko ba may pagme-meetingan tayo?" Tanong ko sa kanya ng seryoso.
" Sa tingin mo ba, kung tayong dalawa lang ay may maayos na meeting na magaganap," Ani n'ya sa akin ng may isinusupil na ngiti sa labi. Hindi ko maiwasang mapamulahan ng mukha sa sinabi nito. Halos nag-replay pa sa akin ang eksena na nangyari kani-kanina lang.
"Nagkita tayo ngayon para alamin kong ano ang desisyon mo sa sinabi ko," sabi n'ya sa akin sa seryosong tono.
"Kung magsalita ka ay parang business deal lang din ang pagkakaroon ng boyfriend or girlfriend ah." hindi ko na napigilang maipamalas ang nararamdaman kong disappointment dito.
" Hotel niyo rin naman ang makikinabang, so bakit mo pa kailangang mag-invest ng emotion sa inaalok ko sayo?" Lumingon ito sa akin. Pinandilatan ko ito ng mata.
" Huwag mong sabihin na nahuhulog ka na sa akin?" Nakangising nitong sabi.
Napipi ako sa sinabi nito bago napapikit. Kung aamin ba ako na may gusto ako sa kanya ay seseryosohin ba niya ako?
Ngunit bago ko pa maisatinig ang naisip ko ay para na akong nasakal sa sinabi nito.
" Clear naman sa ating dalawa na business deal lang 'to kaya bawal kang ma-inlove sa akin. Isa pa may gusto na akong babae." Nakangiti nitong sabi.
"Ngunit habang tayo pa ay walang sinuman ang pwedeng makipag-mabutihan na lalaki sasayo. Ako lang ang may karapatan sayo na hawakan ka. Pero may karapatan ka rin namang tanggihan ako. Hindi ko naman ipipilit ang sarili ko sayo kung ayaw mo."
" Kung hindi ka lang gusto ng parents ko ay hindi ko naman ipipilit ang deal na 'to na gagawin kang girlfriend for show."
Huminga ito ng malalim.
"Bakit ba ipinagpipilitan mo na gawin akong girlfriend? Kung may gusto ka naman na palang ibang babae." Sa naiirita kong turan sa kanya at ramdam ko ang bikig sa aking lalamunan na pilit kong tinatago.
"Dahil pareho naman tayong makikinabang at huwag mong ipagkaila ang physical attraction nating dalawa dahil ang sarili mong katawan mismo ang nagkakanulo sayo."Nakangisi nitong wika.
"Besides it's a win-win situation for us. Dahil hindi mo na ako kailangang bayaran sa gagawing renovation niyo sa hotel."
Pahayag pa nito para makumbinsi ako.
" Kung gusto mo pa ay gagawa tayo ng contract deal hingil rito," dagdag pa ni Caleb.
Hanggang sa dumating na kami sa Engineering Firm niya na may limang palapag ang taas.
Bumaba na kami sa sasakyan niya at tuloy-tuloy lang na pumasok sa loob. Pagpasok namin ay may mga empleyadong nakatutok na ang tingin sa amin. Naramdaman yata ng kasama ko ang tingin na ipinupukol sa aming dalawa dahil huminto ito at nilingon ang mga empleyado.
"Get back to work." sa dumagundong na boses. Tapos tiningnan ako at pinaikot na ang braso sa aking bewang.
Nagpatuloy na kaming naglakad papasok sa elevator. Nang nasa loob kami ng elevator ay parang biglang uminit ang aking pakiramdam. Dumikit naman s'ya akin at hinapit ako lalo sa kanya. Hanggang sa huminto na ang elevator sa ikalimang palapag.
Paglabas namin ay hinila na niya ako papunta sa opisina n'ya at tinulak ako papasok at ni lock nito ang pinto tapos hinila n'ya ako papunta naman sa isang kuwarto at dito kami nanatili.
"Dito ka nakatira?" kuryoso kong tanong.
"Yes lalo na 'pag gusto kng mapag-isa." sagot naman niya.
"Hindi ka kaya mag-isa ngayon." Obvious kong sagot dito.
"Alam ko at hindi tayo aalis dito sa penthouse ko hangga't hindi ka pa magdesisyon."
"Ano? Paano pag ayaw ko. May magagawa ka ba?" sagot ko sa kanya na nang-aasar.
"Oo." Tugon niya habang lumalapit sa akin.
Umalis na ako sa harapan n'ya yun nga lang naabutan ako nito at hinila palapit sa kanya.
"At katawan mo ang hahayaan kong mag decision para sayo," sabi niya sa paos na boses.
Hinahaplos na n'ya ang braso ko at inilapit ang katawan sa akin.
Napapikit ako sa ginagawa nito sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganun na lang ako kabaliw sa mga haplos nito sa akin na para bang nahihibang na ako sa kanya. Hindi ko alam kung tama ang maging desisyon ko pero gusto kong subukan. Siguro naman sa loob ng pagpapanggap na iyon ay baka mahulog din s'ya sa akin.
I know that this is just my wishful thinking. Still, I want to try my luck when it comes to love. Kung tama nga 'yung sinasabi nila na nakakabaliw ang ma-inlove ay least nasubukan ko diba. At masasabi ko rin ang salitang gaya ng sinasabi ng iba na " I've been there done that."
"Kung in-denial ka pa rin sa physical attraction natin ay maghahanap na lang ako ng- ," hindi na niya natapos ang sasabihin dahil pinutol ko.
"Alright then, DEAL." sagot kong pagputol sa sasabihin niya. Kasabay ng pagdilat ng mata ko ay sinalubong ako ni Caleb nang marubdob at nag-aalab na halik sa labi na nagpangiti sa akin at tinanggap ito ng buong pagsuyo.