Chapter Six - Sabotage

3050 Words
Nang nasa daan na kami ay pinaharurot na nito ang sasakyan dahilan para mapahawak ako nang mahigpit sa upuan. "Magdahan dahan ka nga sa pagmamaneho," sita ko rito sa sobrang bilis nitong magmaneho. Ngunit parang wala pa rin itong narinig dahilan para sumigaw ako nang malakas para bumalik ang tamang huwisyo nito. Ngunit bigla-bigla naman itong nagpreno dahilan para muntikan na akong masubsob. Kaya't nang nakabawi ako ay pinaghahampas ko si Caleb dahil na rin sa halo-halong emosyon na naramdaman ko. "Kung gusto mong magpakamatay huwag mo akong idamay." galit na galit kong turan dito. Pagkatapos ay nagmamadali akong tinanggal at seatbelt at sabay kuha ko sa aking bag mula sa gilid ng aking upuan bago ako nagmamadaling bumaba ng sasakyan nito. Mabuti na lang at saktong sa gilid huminto ang kotse kaya't safe akong makababa. Halos hindi ako makatayo ng maayos dahil sa sobrang takot ko kanina. Nagsilbato si Caleb ngunit hindi ko ito pinansin dahil sa sobrang inis ko. Umayos ako ng tayo at dahan-dahang naglakad para humanap ng taksi. Nang may nakita akong taksi na walang pasahero ay nagmamadali akong lumapit papunta sa sasakyan. Nabuksan ko na sana ang pinto ng taksi kaya lang sinarado ulit ito ni Caleb. Kaya't mas lalong uminit ang ulo ko rito. " Ano ba, Mr. Monteverde!" Huwag mong sayangin ang oras ko dahil nauubos na ang pasensya ko sayo. Hindi ito nagsalita bagkus ay bigla na lang akong binuhat nito paalis doon at nagmamadaling naglakad pabalik sa kotse nito. " Put me down, Caleb!" Paulit-ulit kong bigkas dito ngunit binalewala lang nito ang daing ko. Kaya kinagat ko ito sa leeg dahilan para mapaigik ito sa sakit. " Damn you, woman!" Reklamo nito sa akin. Pagkatapos ay binuksan nito ang pinto sa passenger seat at ibinaba ako nito at diretso akong pinaupo at ito na rin ang nagkabit ng seatbelt ko. Pagkatapos ay nagmamadali itong umikot sa Driver seat. Nagpupuyos ang kalooban ko sa sobrang inis sa lalaki. Mahabang katahimikan ang nangyari sa pagitan naming dalawa sa loob ng sasakyan. Walang nagsalita sa aming dalawa. Ngunit ramdam ko ang pabalik-balik na paglingon nito sa akin. " Eyes on the road," maldita kong sabi rito. Dinig ko ang pagtikhim nito. Ngunit hindi ko ito pinansin at kinuha ko na lang ang aking cellphone at Bluetooth earbuds. Bago ko pa nailagay ang earbuds sa aking tainga ay narinig ko itong nagsalita ng mahina na humihingi ng sorry. Isinuot ko na ang earbuds ngunit hindi ako nagpa-music. Kumbaga props lang siya. Gusto ko kasi itong bigyan ng lesson. "I'm sorry." Ulit nito ng hindi ako nililingon. Hindi ako sumagot. " Anong sabi mo? Hindi kita narinig." Pagsisinungaling ko pa. In my peripheral vision, kita ko ang pagkakunot ng noo nito at ang paghawak ng mahigpit nito sa manibela. " I said, I'm sorry!" Ani nito na nauubusan ng pasensya at pagkatapos ay inihinto nito ang sasakyan. " Galit ka, pwes galit din ako kaya 'wag mo akong subukan. Dahil kanina pa ako nagtitimpi sayo." Paglingon ko sa labas ng sasakyan ay nasa harap na pala kami ng aming main Hotel. Baba na sana ako kaya lang ni lock nito ang pinto ng sasakyan. Huminga ako nang malalim at hinarap ito. " Pwede ba pababain muna ako at malapit na akong ma-late. Baka mamaya ito na naman ang magiging dahilan para pag-tsismisan ako." Hindi ito nagsalita. Kaya hinayaan ko na lang. Inayos nito ang pagka-park ng sasakyan bago ko narinig ang pag-unlock nito sa pinto ng kotse na nasa aking gilid. Pagkatapos ay dumiretso na akong bumaba. Halos lakad takbo ang ginawa ko para sana hindi ako nito maabutan ngunit hinabol pa rin ako ni Caleb. Pansin ko ang mga taong nakiki-usyosong tumingin sa amin. Halos mapapikit ako sa maaaring maging tsismiss dito mamaya. Dahil siguro sa laking tao nito ay madali lang ako nitong maabutan. Nang naabutan ako nito ay hinawakan nito ang aking kamay at hinila ako sa elevator tapos ini-press nito ang ika 7th floor. Pagdating namin doon sa palapag ay hinila na naman n'ya ako sa dereksyon ng conference room at binuksan ang pinto. "Bakit ba? Ano ba talaga ang sadya mo sa akin? Why you suddenly showed up at our house? What are you up to huh?" sunod-sunod kong tanong sa kanya sa nagpupuyos na galit ng bitawan na n'ya ako. Lumapit naman s'ya sa akin habang seryosong nakatingin. Napahakbang ako paatras dahil sa patuloy nitong paglapit. " Stop, right there!" Ani ko rito sa nagpapanic na boses habang napapalingon ako sa aking likod. Hindi pa rin inalintana ang sinabi ko dahil tinitigan lang ako nito pabalik gamit ang malamig na mga mata nito. Hanggang sa wala na akong maa-atrasan dahil naramdaman ko na ang kalamigan ng dingding sa aking likod. Hindi ko ito tinignan bagkus ay bigla na lang ako nitong hinigit sa aking bewang dahilan nang pagkakadikit ng aming katawan dahilan nang aking pagsinghap. Napahawak ako sa magkabilang dibdib nito at ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Dali-dali kong tinanggal ang dalawang kamay ko rito ngunit kinuha lang nito ulit ang mga kamay ko at itinaas nito iyon sa aking ulo at mas lalo akong idiniin sa dingding. Idinikit pa nito lalo ang katawan sa akin at para na akong mahihilo sa nagniningas na apoy mula sa aming dalawa. "Alam kong alam mo kung ano ang naramdaman natin pareho, Shine." Ani nito habang hinahalikan ako nito ng marahan sa bawat parte ng aking mukha. " Kahit sa pagkakadikit lang ng konti ng ating balat ay parang hindi na natin kontrolado ang sarili natin." sabi n'ya sa paraang senswal. Daig pa akong na hipnotismo dahil para lang akong nabato-balani dahil hinayaan ko lang ito na halikan ako. Bigla nito akong binuhat at mas lalo akong idinikit sa sarili nitong katawan at inilapag sa lamesa. Halos wala ako sa aking sarili ng tinugon ko ang bawat paghalik nito sa akin. Naputol lang ang mapugtong halikan naming dalawa ng halos kapusin kami pareho ng aming hininga. Napakagat labi ako sa nangyari at halos hindi ako makatingin dito ng diretso. "So, let's make a deal!" Bigla nitong sabi dahilan para mapanting ang tainga ko sa narinig. "Magpapanggap kang girlfriend ko sa harap lamang ng mga magulang ko." Wika nito na nagpakunot sa aking noo. Dahil sa sobrang inis ko rito ay nasapak ko ito. "Hindi ako desperada na gawin kang boyfriend." nanggigigil kong sabi sa kanya. Bababa na sana ako mula sa pagkakaupo sa lamesa nang pinigilan ulit ako nito sa aking braso. " Pakinggan mo muna ang sasabihin ko bago ka magdesisyon," at umalis ito sa aking harapan at umupo sa swivel chair. Kaya't bumaba ako sa lamesa at inayos ang sarili. "In return, ibibigay ko ang serbisyo ko ng libre para sa project ng hotel niyo," Ani nito na parang ginawang negosyo lang ang damdamin ko. Pagkatapos ay hinigit ulit ako nito dahilan para mapaupo ako sa kandungan nito. " Pwede rin nating gawin ang gawain ng normal couple but no string attached. It just only physical," Ani nito sa senswal na tinig habang hinahalik-halikan ang gilid ng aking tainga dahilan ng aking pagpikit dahil nagdulot ito ng kakaibang pakiramdam sa akin na para ba akong lalagnatin. " hmm, " ungol na umalpas mula sa bibig ko. Kaya't napadilat ako dahil sa aking narinig na boses. Nakita kong nasiyahan s'ya sa aking naging reaksyon at pinagapang pa n'ya ang halik papunta sa aking labi nang dahan-dahan at doon ako hinalikan ng mariin at naglalaban ang aming dila dahil pilit nitong pinapasok sa akin. Kinagat nito ang gilid ng bibig ko dahilan ng pagpasok ng kanyang dila sa akin. Habang parang nahihibang ito sa paghimas-himas sa ang aking bewang at dahan-dahan nang naglakbay ang kamay nito papunta sa aking tiyan diyan at ako naman ngayon ang parang nahihibang dahil sa paglapat ng kamay nito sa maselang parte ng aking katawan. Dahil ramdam ko ang init ng kamay nito na nagdulot ng kakaibang pakiramdam sa aking katawan. Nahawakan ko ang kamay nito at doon ko pinatigil. Bumaba ang halik nito sa aking leeg papunta sa aking dibdib. Hindi ko napansin ang pagbukas nito ng butones sa aking damit dahil naramdaman ko na lang ang mainit nitong bibig sa aking dibdib habang parang batang uhaw na uhaw sa pagsuso ng aking dibdib. "Ngayon mo sabihin sa akin na hindi mo nararamdaman 'to." sa paos nitong boses ng pinahiga ako sa mesa at mas idinikit pa nito ang pang-ibabang bahagi ng kanyang katawan sa akin at naramdaman ko ang bahagi niyang iyon. Halos mawalan ako ng ulirat ng dumikit iyon sa bahagi ko. Nang biglang umalingaw-ngaw ang tunog ng aking cellphone ay para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa nangyari. "Damn! I almost give in." kastigo ko sa aking sarili at pagkatapos ay nagmamadali kong inayos ang aking damit pang-itaas na nalukot. Naramdaman ko pa ang pagkabasa ng ibabang bahagi ko dahil sa mga sensasyon na ngayon ko lang naramdaman. Muntikan na akong mabuwal dahil sa biglaan kong pagtayo habang nanghihina pa ang tuhod ko. Tumikhim ako ng napansin kong nakatitig pa sa akin si Caleb. Umalis ako mesa palayo sa kanya nang nanghihina pa ang tuhod at kinuha ko ang cellphone mula sa aking bag at tiningnan kung sino ang tumatawag. Nakita ko na ang daddy ang caller. Kin-ompose ko muna ang sarili at tumalikod ako kay Caleb nang sinagot ko ang tawag. "Yes, Dad," sagot ko sa kabilang linya. "Shine, dumating ka na ba sa opisina?" tanong ni Daddy sa akin sa kabilang linya. "Opo, kadarating ko lang," sagot ko naman sa kanya nang may biglang tumikhim sa likod ko na narinig ng Daddy. "Kasama mo pa si Caleb?" Kinabahan ako sa klase ng tono ng boses ni Dad. "Opo, Dad, nandito pa s'ya." sagot ko at napatalon bigla nang yumakap sa akin si Caleb at inilagay nito ang baba sa aking leeg at nagsusumiksik pa sa akin habang inaamoy ako nito. Nahigit ko ang aking hininga dahil sa galaw nito. "Saan siya?" sa tono ng boses ni Dad ay para s'yang naging isang mabangis na Leon. Kaya napatayo naman ako ng maayos sa naging tono ng boses ng daddy. Ngunit humigpit lang ang pagkakayakap sa akin ni Caleb. "Ibigay mo sa kanya at kakausapin ko s'ya." utos ni Dad sa seryosong boses. Ibinigay ko naman ang cellphone kay Caleb. Hindi ko alam kong ano ang sinabi ng Daddy sa kanya dahil bigla na lang itong sumeryoso na parang nagtitimpi lang ito ng galit. Ibinalik ulit nito sa akin ang cellphone. " Shine?" tawag ulit ni Dad sa akin sa kabilang linya. "Yes, po."sagot ko naman. "Ikaw na muna ang dumalo sa mga na scheduled na meeting ko dahil aasikasuhin pa namin ng Mommy mo ang problema sa airline natin." habilin ni Dad sa problemadong boses. "Bakit, Dad, ano bang nangyari?" Tanong ko ng may pagtataka dahil kung bakit sunod-sunod ang naging problema sa mga negosyo namin. "Pag-uusapan nalang natin ulit ito mamaya, hija." Ani n'ya sa akin. "Opo Dad, kayo din mag-ingat kayo ni Mommy." sa may pag-alala kong tono. Malakas ang kutob ng ama nito na sinasabutahe ang mga negosyo ng pamilya nila. Dahil hindi pa man sila nagpapalabas ng statement tungkol dito ay bigla na lang may mga sunod-sunod na balita at anomalya. Kaya mas lalong naging tamang hinala ang mag-asawa dahil sa pangyayari. Ang ikinababahala nilang mag-asawa ay baka makarating ang balita sa kani-kanilang magulang lalo na sa matandang Dela Cuesta. Dahil tiyak na walang makaka-alpas sa galit nito. Ang Dela Cuesta airlines kasi ay isa sa mga malalaki at matagumpay na airlines dito sa Pilipinas. Masyado itong mahalaga sa pamilya Dela Cuesta dahil dito lahat ibinuhos ng mag-asawang matandang Dela Cuesta ang atensyon nila sa panahong nawalan ang mga 'to ng pag-asa nang mawalay ang anak nila sa loob ng labing tatlong-taon. Ang pagpapalago ng Airlines nila ang dahilan kung bakit kahit papaano ay naibsan ang pangungulila nito sa nawalay na anak. Kaya naman lumago ito nang lumago at hindi naglaon ay nanguna na ito atas naging tanyag ang Dela Cuesta Airlines hindi lang sa Pilipinas maging sa international ay lumawak na rin ang sakop nito. Hindi mapakali si Shine dahil sa pag-aalala n'ya sa kalagayan ng negosyo ng kanyang butihing Lolo at Lola. Hindi ko napansin ang seryosong tinging ipinupukol sa akin ni Caleb dahil sa aking pagiging aligaga. Kinuha nito sa kamay ko ang Cellphone at may ikinakalikot doon. "Pag-isipan mo ang sinabi ko, Shine," sabay nakaw ng halik sa akin bago ako tinalikuran at diretsong umalis. Hindi ulit ako nakapagsalita dahil sa pagkabigla. Lumabas ako ng conference room at pumunta sa table ng assistant ni Dad para tanungin kong ano ang mga meeting na dapat kong daluhan. "Good morning, Miss Fernandez," Bungad nitong pagbati sa akin ng makita ako. "Good morning too, Mrs. Saycon," tugon ko pabalik sa kanya. Matagal ko na ring kilala ang secretary ni Dad kaya alam kung pag-oras ng trabaho ay talagang masinop at masipag ito. Wala na kaming sinayang na oras dahil dumiretso na kami sa aming sadya. "These are the following schedule of meetings that you should attend today". Ipinakita n'ya sa akin ang listahan na mga da-daluhan kong meeting. Parang wala yatang pahinga na mangyayari dahil sa haba ng schedule ko ngayong araw. "Around 8:30 am ay may meeting ka kasama sa mga bagong investor na gaganapin lang dito sa restaurant ng hotel. Mga 10:00 am ay may launch meeting ka na gaganapin dito lang sa function hall. Around 1:00 pm ay may meeting ka na dadaluhan sa school ni Shan. May naka schedule ring meeting kay Mr. Caleb Dawson Monteverde simula 3:30 pm." Detalyadong pahayag n'ya sa buong schedule ko. Napakunot naman ang noo ko sa panghuli niyang sinabi sa akin. Kung bakit si Caleb lang ang ka meeting ko. " Baka may balak na naman itong lalaking 'to sa akin," usal ko sa sarili ng may pagdududa. "Sige po, Mrs. Saycon, doon na muna ako sa nakatalagang opisina sa akin at at may pag-aaralan lang. Tawagin niyo na lang po ako mamaya pag magsisimula na ang meeting. " Sabi ko sa kanya. Naglakad na ako papasok sa sarili kong opisina nang may mahinang tumatawag sa pangalan ko. " Aistrielle?" nilingon ko naman ito at nakita kong si Mark pala ang tumatawag sabay kaway nito sa akin. " Nabalitaan mo ba ang pananabutahe sa Airline ng mga Dela Cuesta?" Kuryoso nitong tanong. " Hindi," tugon ko naman sa kanya at ibinalewala ko ang tanong nito. Ayaw ko munang magsalita ng hindi ako sigurado. " Sa inyo din 'yun, diba?" Pang-uusisa pa nito kaya napakunot ang noo ko sa kanya dahil sa pagkaka-alam ko waíla naman akong sinabi sa kanilang tatlo kahapon na sa amin ang Dela Cuesta Airline Corporation. " Paano mo naman nasabi na may nagsabutahe sa kumpanya namin?" tanong ko sa kanya ng naalarma ako. "Ahh, narinig ko lang sa parents ko na nag-uusap kagabi." sabi nito nang hindi makatingin sa akin kaya sinakyan ko ang kanyang pahayag at kunwaring hindi ko napansin ang kanyang pagiging aligaga. " Hindi ka ba bababa ngayon sa Housekeeping department? " pag-iibang tanong n'ya sa akin. " May mga meeting kasi akong dadaluhan ngayon buong araw." sagot ko naman sa kanya na parang balewala lang ang gagawin. "Ahh, ganun ba? Sige mag-ingat ka," sabi niya sa akin bago ito tuluyang umalis. Binuksan ko na ang pinto ng opisina ko at umupo sa swivel chair para mag-isip muna. Binuksan ko rin ang sarili kong computer at hinanap ang list of employees namin para alamin ang buong pangalan ni Mark. Ngunit hindi ko mahanap ang listahan ng mga empleyado lalo na ang mga nagtatrabaho sa accounting department. Hindi ko muna inabala ang sarili ko sa gagawin kong imbestigasyon kay Mark. Pinag-aralan ko muna kung ano ang naging status ng isa sa aming hotel na nagkaproblema kahapon para hindi na maulit ang nangyari. Dahil kung mayroon mang nagsabutahe ay mayroon ding dapat na managot. Nagpatuloy lang ako sa aking ginawa nang may mahinang kumatok sa pinto. Hindi ko na namalayan na inabot na pala ako ng trenta minutos sa ginagawa. "Ms. Fernandez, nand'yan na ang mga investor ng Hotel." Imporma nito sa akin. "Sige po, paki-asikaso na lang po sila." utos ko sa kanya. Dumiretso na ako pababa sa restaurant ng hotel kung saan doon gaganapin ang meeting namin. Pagdating ko ay kumpleto na ang lahat. Umupo na ako ng diretso sa bakanteng upuan na inihanda sa akin. Ipinakilala pa rin ako bilang representative ng father ko. Being the daughter of the owner, I will show them a kind of authority that they will never expect from me. I don't want to be rude but I'd rather keep my card safe from whoever the spy in this company. Seeing the shareholders faces, I know that they will not be going to believe my capabilities. Given the situation, that they don't have any idea about me. Still, I will not back down by them. But I'll show them how ruthless I can be. Maybe through that they will not belittle the Dela Cuesta and Fernandez. Perhaps, they will think that I'm just a young lady and the insignificant one here in this room. But I'm not afraid of their constructive criticism because I know how to embrace my flaws. I'll just want them to be aware that they should behave if they wouldn't want to be the first subject of my investigation. I scanned the whole place and I saw the uninterested investors aura. Maybe, because they didn't expect that I am the person who will become a representative on behalf of my father's absence. I came straight towards on their direction and great them formally with gratitude. So, that they can feel my sincerity for this cooperation. " Hello! Sir, nice meeting you." Nakipagkamay ako sa kanila ng nakangiti ngunit naramdaman ko ang pagkadismaya nito. Though, I feel their indifference towards me. Still, I humbly accept it. Tinanggap naman nito ang pakikipag-kamay ko at umiling-iling ito ng umupo. Dahil investor sila ng kumpanya kaya tiniis ko na lang ang tahasan nitong pinapakitang disappointment. Hindi ko na lang inisip ang negative na nararamdaman. Huminga ako nang malalim at naglakad na pabalik papunta sa aking upuan. "Let's start the meeting now," I told them with authority as I seated.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD