Pagpasok namin sa loob ng opisina ay dumiretso agad ako sa aking table para magsimula ng magtrabaho ngunit ilang minuto lang ay may narinig akong pagkatok sa pinto. Sa pag-aakalang isa sa kanila ni Ashley o ni Trish lang ang pumasok kaya hindi ko inabalang tingnan ito at nagpatuloy lang ako sa ginagawa kong trabaho.
Hindi na nakita ni Shine ang pag-aalalang bumakas sa mga mata ni Caleb at hindi rin iyon pansin ni Caleb sa sarili.
Bigla na lang napahawak sa dibdib si Shine dahil sa pagkabigla. Bigla kasing may dumampi na malamig na yelo sa kanyang pisngi sa bahaging nasampal ng babae kani-kanilang. Dahil doon ay matagal bago nakabawi si Shine sa nangyari. Napa-angat naman ang mukha nito at tinitigan si Caleb. Hindi nito alam kung paano mag-react sa ipanapakitang galaw ng lalaki.
At dahil hindi nagsalita ang lalaki kaya hindi na lang rin siya nagsalita para wala nang maaanghang na sagutan na na lumabas sa kanilang bibig at baka ay magkagulo pa. Patuloy lang ito sa ginagawang pagdampi ng yelo sa kanyang pisngi hanggang sa tumunog ang cellphone nito. Kinuha nito ang kaliwang kamay ko para ipalit sa kamay nitong nakahawak sa cold compress na nakadampi sa aking mukha.
Napabuntong hininga na lang ako. Matapos ang ilang minuto ay pumasok ulit ito at dumiretso sa akin kaya medyo nataranta ako at nahulog ang hawak kong cold compress.
"Ahh, may kailangan ka ba?" nauutal kong tanong kay Caleb.
Hindi ito nagsalita at tinitigan lang ako ng matagal. Kaya umatras ang dila ko dahil sa walang reaksyon na ipinapakita nito. Nang niyuko ko na ang cold compress ay hindi ko rin batid na pinulot rin ito ni Caleb at saktong pagyuko nito ay ang aksidenteng pagkakalapat ng labi naming dalawa.
Tumigil ang pag-inog ng mundo ko sa nangyari. Mabuti na lang at may kumatok mula sa labas ng pinto at narinig ko ang boses ni Trish.
" Ms. Fernandez, may tawag para sayo."
At pagkatapos ay tumunog na ang telepono na nasa gilid ng table ko. Dadamputin ko na sana ito ng bigla akong hinablot nito at hinalikan sa labi nang may paghahanap. Matapos ang mapugtong halikan ay tinitigan ako ng matagal nito.
" I'll message you later," sabi nito gamit ang mapupungay nitong mata at pagkatapos ay hinalikan ulit ako nito sa labi bago ito dire-diretsong malis na walang lingon-lingon.
Napahawak ako sa aking labi.
" Bakit ko hinayaan si Caleb na halikan ako ng ganun-ganun lang." kastigo ko sa aking sarili.
Pagka-alis ni Caleb ay pumasok din sina Ashley at Trish. Hindi ko maiwasang mag-init ang aking pisngi sa tinging ibinibigay ni Trish sa akin.
" May nangyari ano?" tukso nito sa akin.
Napakagat labi lang ako bilang sagot ko.
" Ano, masarap ba siyang humalik?" usisa pa ulit nito sa akin. Napapikit ako bago ako napatalikod mula sa kanila para pagtakpan ang pamumula ng pisngi at pakiramdam ko ay para na akong kamatis 'yung sobrang hinog.
" Ano ka ba, Trish, ang lantod mong babae ka!" saway naman dito ni Ashley.
" Nagtatanong lang naman," sagot naman ni Trish.
Lumapit pa ito sa akin at pinaharap ako sa kanila ngunit inilihis ko ang aking mata mula sa kanila. Mabuti na lang at pumasok si Mrs. Saycon kaya nakaiwas ako sa mga pang-uusisa nito sa akin.
Pagsapit ng alas singko ay nag pa sundo na ako kay Tatay Jude. Sigurado naman ako na nakaauwi na ang mga kapatid ko dahil alas kuwatro ang uwian ng mga 'yon.
"Mauuna na ako sa inyo," paalam sa amin ni Ashley.
Tumango naman kaming dalawa ni Trish.
"Hindi ka pa ba uuwi, Aistrielle?" tanong sa akin ni Trish ng nakita kong nag-aayos na ito ng sariling bag para umalis.
"Hihintayin ko pa ang sundo ko, Trish," sagot ko sa kanya.
Kasama ko kasi ang mga kapatid ko kanina na inihatid din pagpasok kaya wala akong sasakyan na dala.
"Okay, kung ganun. Maiwan na kita rito." pagpapaalam nito at umalis.
Tumunog naman ang cellphone ko sa tawag ni Tatay Jude.
"Hello, Tatay Jude," sagot ko rito.
"Shine, nandito na ako sa may parking lot ng building. Hihintayin na lang kita rito." Imporma ni Tatay Jude sa akin.
"Sige po," sagot ko at in-off ko na ang tawag.
Kaya Kinuha ko na ang bag ko para bumaba na. Dumiretso na rin ako papunta sa parking lot at nakita ko si Sam na nakasandal sa gilid ng sasakyan.
"Sam, pasok na sa sasakyan." pagtawag ko sa kanya at sabay na naming binuksan ang magkabilang pintuan.
Pinaandar naman ito agad ni Tatay jude pauwi sa bahay. Pagdating namin ay sinalubong kaagad kami ni manang Dora at ang mga katiwala.
"Shine hija, kumusta ang unang araw mo?" tanong ni nanay Dora sa akin.
"Okay lang naman po, 'Nay," tipid kong sagot sa kanya dahil medyo pagod na.
Dumiretso na akong pumasok dahil nauna na si Sam sa akin at naabutan oo sina shan at snow na nanonood ng TV sa may living room.
"Ate Shine," tawag nila sa akin pareho at patakbong lumapit para humalik sa pisngi ko.
"Nasaan ang ate Scarlet n'yo?" tanong ko sa kanila pareho. Napansin kong nakatinginan naman ang dalawa sa tanong ko.
"Ahh! ate, hindi sumabay ng uwi si ate Scarlet eh," sagot ni Shan sa akin.
"Mahuhuli lang daw po s'ya ate. 'Yun po ang sabi niya sa text kanina," sabi naman ni snow sa akin.
Tumango naman ako sa kanila. Kaya nagpaalam lang ako na aakyat na muna.
"Pagdating ko sa kuwarto ay ibinagsak ko ang katawan sa higaan at kinuha ko ang cellphone ko sa bag.
Hinanap ko ang pangalan ni Caleb sa internet.
" Hmm, sikat nga pala talaga sya dahil ang daming website na may report tungkol sa kanya." Basa ko sa mga impormasyong nakalap sa kanya.
Binasa ko naman bawat isa at halos lahat na nakasulat sa article ay may nalilink na babae patungkol sa kanya.
"Haist, womanizer nga talaga." Nagngingitngit naman ang damdamin ko nang napagtanto ko kung kagano karami ang naging babaeng naka link dito.
Umiling ako.
" Bakit naman ako magigiging apektado? Hindi ko naman siya boyfriend para maki-alam sa buhay niya." kontra ko pa sa isip.
" Hindi mo nga boyfriend pero may halikan ng nagaganap?"
Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa ng impormasyong tungkol sa kanya at hindi ko maiwasang mamangha sa mga achievement nito.
Infairness, may maipagmamayabang naman pala talaga. Dahil kahit sa edad pa lang na 26 ay madami na s'yang natapos na project. At siya ang highly recommended na Engineer sa Pilipinas dahil sa sobrang husay at laging pulido ang bawat detalye ng kanyang proyekto.
Nang may kumatok sa pintuan at binuksan ito at dumungaw ang ulo ng kapatid kong si Snow.
"Ate Shine, kakain na." tawag niya sa akin.
"Sige, susunod na," sagot ko sa kapatid ko tapos balik tingin sa cellphone.
Ngunit paglingon ko ay nakatayo parin s'ya sa harapan ng pintuan ko.
"Bakit nandyan ka pa?" tanong ko sa kanya.
"Kasi alam ko 'pag oras nang pagkain ay lagi kang pahuhuli na bumaba," sagot ni Snow habang nakasandal ito sa may pintuan.
Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi nya at tuluyan na akong tumayo para sabay na kaming bumaba.
Pagkababa namin ay nakaupo na ang lahat sa mahabang mesa at hinihintay na lamang kaming dalawa ni Snow.
Umupo naman kami kaagad sa mesa ng kapatid ko. Bali ang naging seating arrangements sa mesa ay nasa head table nakaupo ang daddy, at nasa right side ang Mommy, si Sam, at Shan. Nasa left side naman ako kasunod ni Daddy tapos si Scarlet at si Snow.
Tumingin si Dad sa gawi ko at nagtanong.
"Kumusta ang unang araw mo, Shine?" Hindi na kami nakabalik ng mommy mo sa office dahil sobrang daming nangyari kanina," problemado nitong wika sa akin. Bakas sa mukha nito ang pagod at nakakunot pa ang noo nito.
Hinawakan naman ni Mommy ang kamay nito at tumikhim dahilan para ngumiti ng pilit si Dad at tumango.
" Bakit, Dad?" nababahala kong tanong. " May naging problema ba?" umiling naman si Mommy.
" Wala naman, hija." Ngumiti ito. "Nag-aalala lang kami ng Daddy mo sayo."
Naku! Lagot na! Baka nalaman nila ang nangyari kaninang tanghali. Sana naman hindi at baka maging dahilan pa ito sa pagkakataon ng eskandalo sa opisina.
"Hindi ka ba nahihirapan doon o may kailangan ka bang ipabago sa opisina mo?" dagdag pang sabi ni Mommy.
"Okay naman po, Dad/ Mom, medyo masyado lang madaming nangyari buong maghapon," sagot ko naman habang nagsasandok ako ng ulam sa sarili kong pinggan.
Pagkatapos kung magsandok ay napansin kong nakatutok ang mata nilang lahat sa akin.
Kinalabit ako ni Scarlet sa aking tagiliran.
" Ate, anong nangyari d'yan sa pisngi mo?" tanong ni Sam. Sasagot na sana ako nang hinawakan ni Scarlet ang gilid ng kaliwang pisngi ko dahilan para mapaigik ako sa sakit.
Dali-dali namang dumali si Mommy sa gilid ko.
" Ano bang nangyari, anak?" Nag-aalalang tanong ni Mommy." Bakit nagkapasa 'yang pisngi mo?"
" Nadapa po kasi ako kanina sa loob ng opisina dahil sa maling paghakbang ko habang may mga dokumento akong inililipat at sumakto ang kaliwa kong pisngi sa edge ng table." pagsisinungaling ko pa.
Hindi ko alam kung naniwala ba sila sa sagot pero tumahimik naman sila. Pero pansin ko pa rin ang kapatid kong si Sam na nakamasid lang sa akin kaya nginitian ko ito.
Pagkatapos ay nilingon nito ang iba kong kapatid at sila naman ang inusisa. Kaya nakahinga ako nang maluwang sa dibdib.
"Kayo naman Shan, Snow, Sam at lalo ka na Scarlet?" Nagtagal ang tingin nito sa katabi kong si Scarlet. " Natagalan ka raw sa pag-uwi. Bakit?" sunod-sunod na tanong ni Daddy sa kanya.
"May ginawa lang kaming project Dad kaya medyo natagalan po ako." Paliwanag naman ni Scarlet Dane habang dahan-dahan itong ngumunguya sa tabi ko.
Pagkatapos ay nilipat nito ang tingin kay Snow.
"Okay naman po, Dad, just a normal first day of school and it's more on self- introduction," sagot ni Snow habang pinapaikot nito ang kutsara sa plato kaya't sinita ito ni Scarlet.
" Ikaw naman, Sam?"
" Ito, Dad, as a normal graduating student, it's more on meeting our professor and finalizing our school papers because the second semester will be the practicum." habang pinupunasan nito ang labi gamit ang tissue. Tumango-tango naman si Dad sa sagot nito.
Hinintay naming magsalita si Shan. Nang matapos ang ilang minuto ay hindi pa rin ito nagsalita ay napalingon na kami sa kanya.
" Ah.....! Ahm... Okay lang naman po."
Tapos nginitian n'ya kaming lahat.
"Are you sure, Baby?" Our mother asked in a worried tone.
"Yes, Mom." Maybe it's normal that I could not gain friends on the first day of school. Since, you know that - It seemed that all of my classmates had already a circle of friends since grade school. So, it's hard to fit in." Shannon Ace replied as she smiled and shrugs her shoulder.
"Don't worry, Shan, I know in time you will gain some friends too. But, if you don't have one yet. We're still here, your siblings." sabi ko rito at tinuro ko ang iba pa naming kapatid. "We can be a multi-purpose, you know. " sabi ko kay Shan nang nakangiti.
Nilingon naman ito ni Sam at nakita kong pinisil ang kamay nito.
"Yes, Shan, we're always here for you."
" Have you forgotten that I'm always be your best friend. If wala kang kaibigan doon. Okay lang 'yun dahil apat naman kami na panghabambuhay mong kaibigan. Diba, ate's?" Ani pa ni Snow para palakasin ang loob nito.
"Oo, naman." sabay naming sagot sa bunso namin.
"Salamat sa inyo mga, ate." madamdaming sagot ni Shan.
Ngumiti naman kami at tumango sa bunso namin at nagpatuloy na kaming lahat sa pagkain.
Lingid sa kanilang kaalaman ay pinagmamasdan silang lima ng kanilang mga magulang na parehong nagkatinginan. Habang nagdadasal ng mahina na kung sakali mang mawala sila pareho at least alam nila na gagawing sandalan ng mga anak nila ang bawat isa.
Pinisil naman ng kabiyak nito ang kamay at matamis na ngumiti sa isa't-isa.
Nang lumalim na ang gabi ay umakyat na rin ang mag-anak sa kani-kanilang kwarto.
Pagkabukas ng cellphone ni Shine ay may nakita s'yang message na unregistered number.
" Susunduin kita bukas." 'yun lang ang eksaktong mensahe na natanggap niya ngunit may hinala na s'ya kung kanino galing.
Hindi na lang nito pinansin ang text at dumiretso na sa kama para matulog.
Kinabukasan ay nagising s'ya sa lakas nang pagkatok sa pinto ng kanyang kuwarto. Kasabay din nun ang pagtunog ng alarm clock na katabi ng kanyang cellphone. Dahil ramdam pa niya ang antok kaya inabot niya ang alarm at in-off at bumalik sa paghiga.
" Just 10 minutes more" at tinakpan ko ng unan ang aking tainga at nagtalukbong ng kumot.
Ngunit ilang saglit pa ay naramdaman ko na lang hinablot ang kumot mula sa akin.
"Ate Shine, gising na at may bisita ka sa ibaba." tawag ni Scarlet sa akin gamit ang matinis nitong boses.
" Ano ba, Scarlet, ang sakit sa tainga." reklamo ko rito.
" Ang tagal mo kasing bumangon, ate." Hinila pa ako nito ang dalawa kong braso para bumangon.
"Ito na, ito na, susunod na 'ko." sagot ko sa papungas-pungas na pagbangon.
"Dumiretso ka na sa pagligo ate at bilisan mo na lang. Dahil may lakad ka ata na hindi mo alam." tapos ngumisi pa ito sa akin dahilan para mapakunot ang noo ko.
" Anong lakad ba ang sinasabi nito." bagot kong tanong sa sarili.
Iniisip ko kung sino ang bibisita sa akin na ganito kaaga, eh, wala naman akong naging kaibigan maliban na bibisita maliban na lang sa mga bago kong kakilala.
Bigla kong naalala ang nangyari kahapon at ang text kagabi.
"Haist! ang kulog na 'yon."
Napatulala ako ng ilang minuto ng may tumulak sa akin mula sa aking gilid. Kaya nilingon ko ito at nakita ko ang nanunuksong ngiti nito.
"Sige na, ate, maligo ka na." Hinila pa nya ako papunta sa sarili kong banyo at pabirong itinulak papasok.
"Bilisan mo, ate, dahil kanina pa naghihintay ang bisita mo. In fairness huh, gwapo siya and you know -" pabirong sabi nito.
"Yeah, right! Blue eyes!" sabi ko sa kanya which made her chuckle.
Pareho kasi naming gusto ng kapatid kong si Sam ang lalaki na blue eyes in terms of physical appearance.
Mabilisang pagligo lang ginawa ko at naglagay lang ako ng light make up at nagbihis agad ako para makababa na.
Nasa hagdan ako ng may narinig akong tawanan. Nagpatuloy lang ako sa paghakbang pababa ng hagdan at dumiretso agad ako sa dining area. Doon ko naabutan ang mga magulang at kapatid ko na nagkatawanan habang kumakain.
"O Shine hija, halika na dito at kanina pa naghihintay si Caleb sayo. Hindi ka man lang nag-inform na mayroon ka palang bisita na maaga aakyat ng ligaw." nanunuksong sabi ni Mommy.
"Mom!" pagpoprotesta ko.
Uupo sana ako sa side ni Sam kaya lang sinaway ako ni Mommy kaya wala akong nagawa kung 'di ang umupo sa tabi nito.
Umupo na ako sa dati kong pwesto na kasunod kay Dad. And next to me is Caleb who occupied the seat of Scarlet.
Tinapunan ko nang masamang tingin si Caleb at biglang sumeryoso ng makitang pinanlilisikan ko s'ya ng mata habang sumubo nang hotdog at ibinalik ko rin ang tingin sa pagkain.
Narinig ko na lang na napaubo ito.
" Kuya Caleb hinay-hinay lang kasi sa titig at baka matunaw!" Napamaang ako sa narinig na panunukso ni Scarlet kay Caleb dahilan para ma pahagikgik sina Shan at Snow.
Tigilan n'yo nga sila Ate sa mga panunukso niyo at baka hindi yan matunawan sa kinakain." Nakangising dagdag naman ni Sam kaya pinaningkitan ko na silang lahat ng mata.
Buti na lang at nagsalita na ang Daddy at sinaway sila sa mga panunukso nila sa akin.
" Shine, bakit hindi mo sinabi sa amin kagabi na may manliligaw ka na pala." Usisa ni Daddy sa akin.
Napamaang na ako sa kalokohang pinagsasabi ni Caleb kaya di ko napigilan ang sarili kong sapakin s'ya at kurutin sa tagiliran bago ko hinarap si Dad na seryosong nakatingin sa akin.
" Hindi ko s'ya manliligaw, Dad. Kaya s'ya nandito dahil may pag-uusapan lang kami," seryoso kong paliwanag habang nakatingin sa kanilang lahat.
Wala akong planong magkaroon ng scandal ang pamilya ko lalo pa at nasa iisang lugar lang kami ng babae nito. Wala rin akong planong makigulo sa kanila.
Sa halip na makahinga ako ng maluwag ay mas lalo pang pinangulo ni Caleb ang sitwasyon.
"Actually, Mr. Fernandez, ayaw lang niya akong tanggapin bilang manliligaw niya pero hindi po ako mag babackdown dahil lang sa ayaw niya. Simula po ngayong araw, pormal ko pong ipinapaalam sa inyo ang panliligaw ko sa anak niyo. Ako na rin po ang maghatid sundo sa kanya palagi sa kanyang trabaho." Ani nito sa seryosong tono ng boses kaya't napamaang na lang ako sa kanya.
"Talagang magtutuos kami ng lalaking 'to mamaya." nangagalaiti kong turan sa sarili.
Tumayo na ang mga kapatid ko para pumasok na sa School.
" Dad, Mom, una na kami. "paalam ni Sam at humalik na ang mga ito sa pisngi namin.
" Ate Ehine, mauna na kaming umalis since may personal ka namang tagahatid sundo." Panluluko pa ni Scarlet. " Just kidding... " sabay peace sign nito.
Pinagmasdan muna ako ng apat kong kapatid bago sila nagsalita ng seryoso.
"I'm sure, Ate Shine can take care of herself, Mr. Monteverde. So don't be pushy if she doesn't want something or like to or else there will be a world war three." pagseseryoso bigla ni Scarlet.
"Oo nga, at oras na may ginawa kang hindi maganda sa Ate namin. Ako ang makakalaban mo." gamit ang malamig na tono ng boses ni Snow tapos ay ngumisi ito at nauna pang umalis sa kanilang apat.
Sa aming lima na magkakapatid higit na mas nakakatakot si Sam kapag nagseryoso pero lagi naman kasi itong nakangiti kaya hindi rin halata ng parents namin ang kaibahan nila pero ako mas masasabi kong mas mesteryoso at nakakatakot si Sam dahil hindi ko pa ito nakitang nagalit.
Mas madalas pa nilang masabi na si Snow daw ang mas scary 'pag galit at seryoso. Tahimik kasi ito masyado pero malambing naman sa amin lalo na sa akin.
Tiningnan din ni Shan si Caleb gamit ang matalim na titig bago ito umalis. Napangisi naman si Scarlet at sumunod na sa dalawa. Habang napailing naman si Sam pero ngumisi naman ng nang-uuyam kay Caleb at sumunod sa mga kapatid.
"Pagpasensyahan mo na ang mga anak ko ganun talaga ang mga 'yun. I'm sure hindi ka naman gagawa nang hindi ikakatuwa ng mga anak ko, Diba?" nakangiti namang sabi ni Mommy kay Caleb pero ramdam mo ang kalamigan ng boses nito.
Napangisi naman ako sa nangyari dahil hindi ko akalain na ganun ako protektahan ng mga kapatid ko.
Nilingon ko naman si Caleb at pansin kong hindi nito nagustuhan ang nangayari.
" Okay na rin 'yun kung ganun. At least iwas gulo," usal ko sa sarili habang napangiti.
Nagpaalam na ako sa parents ko at hinila na si Caleb palabas ng bahay.
"I just thought na nagwa-warm up na ang pamilya mo sa akin lalo na ang mga kapatid mo dahil maayos naman kaming nag-uusap bago ka pa bumaba kanina."
Napailing pa ito sa nangyari.
" Sa mga kapatid mo pa pala ako mahihirapan"
Hindi ito makapaniwala sa nangyari.
Hinayaan ko s'ya. Dumiretso na kami sa paglalakad palabas ng bahay.