"Aistrielle, ulit niyang tawag sa akin.
Tinapunan niya nang mapanuring tingin ang mga kasama ko sa lamesa at ibinalik ulit sa akin ang kanyang malamig na titig.
"Bakit, Mr. Monteverde? Ano ang kailangan mo?" tanong ko sa kanya. Buti na lang hindi n'ya nakita na tinitigan ko rin siyang mabuti.
Habang tinitingnan ko s'ya ay napansin kong maamo ang hugis ng kanyang mukha, may mahaba at mapipilantik ang korte ng kanyang pilik mata, kakulay asul na dagat ang kulay ng kanyang bilugang mata at hugis puso ang korte ng labi nito na akala mo'y nang-aakit. May makisig na pangangatawan at may tangkad na anim na talampakan.
"Perpekto pala siyang tingnan eh," usal ko sa sarili.
"So, pwede na? Ganun? Gwapo naman pala?" ani ng aking kabilang isipan.
"Hmp! Gwapo nga pero ang lakas naman ng apog."
Kastigo ko rin sa aking sarili.
"Pasado na ba ako sa standard mo?" biglang singit ng lalaki sa natutuliro kong diwa ng nakita akong nanunuri ang tingin sa kanya. Napaingos ako sa lalaki para para mapagtakpan ang pagkapahiya ng aking sarili.
"Pwede na," sagot ko naman sa kanya at tinaasan ito ng kilay.
Parang hindi naman nito nagustuhan ang sagot ko dahil napakunot ang noo nito habang nakahalukipkip.
Bigla naman akong napatingin sa mga kasama ko sa table nang may napahagikgik. Tinitigan ko ang mga kasama ko sa table ng matiim. Napaupo naman nang tuwid si Ashley at Mark habang hindi pa rin tumigil si Trish sa pagtawa. Ngunit nang napansin nitong tahimik akong nakamasid dito ay pilit naman itong nagseryoso at nag-peace sign bago ito nagpatuloy kumain. Habang nagsusupil naman ng ngiti si Mark kaya siniko ito ni Ashley sa tagiliran para sitahin.
Napalingon ulit ako kay Caleb nang tumikhim ito.
"Hindi ko alam kung ano ang nakita sayo ni Dad." Sinuri pa niya ang buong mukha ko at nagsalita ulit na halatang sobrang dismayado.
" Wala namang ka espe-espesyal sayo para gustuhin niyang gawin kitang girlfriend." Pang-iinsulto pa nito sa akin.
" What do you want? Money? Fame? Power?" Pang-uuyam pa nitong wika sa akin.
Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi ng lalaki. Hindi ko masundan kung sino ang tinutukoy n'yang ama. Naghalo-halo na ang nararamdaman ko lalo na sa panghuli rin nitong sinabi na mas lalong ikinagagalit ko sa lalaki. Napakuyom ang kamao ko sa sobrang paghihimagsik ng damdamin ko at pinanlisikan ko ito ng mata para ipakita ang pagkamuhi ko sa kanya ngunit parang wala lang ito sa antipatikong lalaki.
Ngumisi kasi ito bago lumapit sa kinauupuan ko. Dahan-dahan din nitong inilapit ang mukha nito sa akin kaya bigla akong nataranta sa ginawa nito. Mukhang napansin n'ya yata ang reaksyon ko dahil may natutuwang kislap sa mga malalaking bilugang mata nito at halatang natutuwa pa kaya naman mas inilapit pa nito ulit ang mukha sa akin.
Bago ito bumulong sa aking tainga na parang may mainit na hangin na dumampi sa aking balat dahil sa buga ng hangin nito sa pagsasalita na siyang dahilan para maghatid nang kakaibang sensasyon na nagpagising sa akin. Dahil parang may bolta-boltaheng kuryenteng dumaloy mula sa aking batok na bumuhay sa natutulog kong katawan lupa.
"Magkita tayo bukas para makapag-usap tayo nang masinsinan na tayong dalawa lang nang walang disturbo," sabi pa n'ya sa akin sa paraang sensual na boses.
"Baka guni-guni ko lang 'yon."
Nagkatitigan kaming dalawa ni Caleb nang biglang may nagsinghapan kaya lumayo ako sa kanya at tiningnan ang paligid.
May mga nagbubulong-bulungan at pabalik-balik ang tingin sa table namin ngunit hindi nagtagal ang tingin ko sa kanila dahil hinawakan ni Caleb ang aking mukha at iniharap ulit sa kanya. Ikinabig pa nito ulit ako sa kanya na halos gahibla na lang ang pagitan ng mukha naming dalawa. Ngunit wala akong maintidihan sa mga nangyayari dahil ang malakas lamang na pagpintig ng aking dibdib ang aking naririnig at ang nang-aakit nitong boses na mas lalong nagpagulo sa aking isip at parang hindi ko na nakita ang ibang tao sa aming paligid dahil nakapokus na lang ako sa aming dalawa lang.
"Huwag mong kalimutan ang sinabi ko at hindi ako magdadalawang isip na puntahan kita bukas sa bahay niyo dahil mayroon tayong mahalagang pag-uusapan." dagdag ulit ni Caleb at tumalikod na para tuluyang umalis.
Naguguluhan pa rin ako sa nangyayari.
"Well! hindi naman ako pumayag. I guess, di ko kailangan magpakita sa kanya."
Patuloy na naglalaban ang aking isipan kaya nakalimutan ko ang mga matang nag-uusig na nakatingin sa akin kung hindi ko pa narinig ang malakas na paghampas sa lamesa ni Ashley para bumalik ako sa tamang huwisyo.
Nagsalita naman si Trish at nilingon ang mga taong nagbubulungan.
"Anong tinitingin-tingin niyo?" sa nanitang pag-uusig ni Trish.
"Haiisst!" dinig kong pagbuntong hininga ni Ashley.
"Ang mga tao talaga ang hilig maki-isyoso pero nagagalit naman kapag sila ang tampulan ng tsismis." ani ni Ashley sa naiiritang boses nito. Mabuti na lang at tapos na palang kumain ang tatlo kaya maaari na rin nilang lisanin ang lugar para iwas tsismiss.
"Akala ko ba ay hindi mo kilala si Caleb Monteverde? Bakit ka niya kinausap at nilapitan. Tinawag ka pa niya sa una mong pangalan." kuryosong tanong ni Mark sa akin at napahinto ito nang may napagtanto.
"Pwede bang isa-isa lang na tanong." baling kong pagsagot kay Mark.
" Una hindi ko personal na kakilala si Caleb dahil kakakilala ko lang din sa kanya kani-kanina lang sa meeting. Pangalawa, hindi ko rin alam kung bakit n'ya ako kinausap at kung sa anong dahilan. Pangatlo, hindi kami close para tawagin niya ako sa first name ko." sa mahaba kong paliwanag kay Mark.
" Hay, naku Mark! Normal lang na mapansin siya ni Caleb dahil maganda si Aistrielle at baka nga naghahanap lang iyon nang paraan para makalapit kay Aistrielle at gumawa- gawa lang ito ng dahilan para mapansin." Ani pa ni Ashley.
" In fairness, habang tinitingnan namin kayo ay para kayong magkasintahan na nagkatampuhan at sinusoyo lang ang isa't isa." Kinikilig pang sabi ni Trish na parang lutang na lutang dahil nakahilig pa ito sa balikat ni Mark habang may natutuwang pagkislap sa mata.
"Kaano-ano mo ang may-ari ng Fernandez Chain of Hotels?" singit ulit na tanong ni Mark.
"Haisst. Ang hina talaga. Malamang sila ang may-ari dahil anak s'ya mismo ng CEO." sagot naman ni Trish kay Mark.
"Teka lang, bakit 'di mo sinabi ka agad. Eh niloko-loko pa naman kita kani-kanina lang." paninisi pa niya sa akin sa hindi ko pagpapakilala ng maayos sa kanya.
"Yan ang dahilan." napakunot naman ang noo n'ya na parang hindi n'ya pa rin nakuha ang point ko. Kaya napabuntong hininga ako bago nagpaliwanag sa kanilang tatlo.
"Dahil gusto ko habang nag training ako ay wala munang dapat makakilala sa akin para hindi nila ako tratuhing especial at para may makahalubilo ako na normal ang trato nila sa akin." napabuntong hininga kong sabi bago nagpatuloy.
"Sa totoo lang din wala rin naman akong kaibigan maliban sa mga kapatid kong babae. Dahil lahat kami aminadong nahirapan makahanap ng totoong kaibigan. Madalas kasi nagagamit lang kami dahil parehong galing sa maimpluwensyang pamilya ang mga angkan namin." buong paliwanag ko sa kanila.
" Akala ko kapag mayaman ka na ay wala ka nang problema sa buhay ngunit hindi naman pala ganun," ani pa ni Ashley at may mapang-unawang tingin sa akin.
" Ganun talaga. Hindi natin makukuha ang lahat na gusto nating mangyari." dagdag naman ni Trish.
"Kaya sana, wala na munang makakaalam sa totoo kong pagkatao. Gusto ko rin kasing makilala ang iba pang mga empleyado na nagtatrabaho sa amin." paki-usap ko sa kanilang tatlo.
"Nakakamangha ka, Ms. Aistrielle, kasi kahit nasa inyo na ang lahat ay hindi ka nang mamaliit ng tao." buong paghanga na sabi ni Ashley na sinang-ayunan naman ni Trish.
"Pwede bang tanggalin n'yo na lang ang Miss na pagtawag n'yo sa akin. Aistrielle na lang ang itawag n'yo para hindi na rin magtaka ang iba at hindi mabulilyaso ang cover ko. Isa pa, gusto ko rin kasi sana kayong maging kaibigan ." sabi ko sa kanila sa nahihiyang tinig.
"Of course. It's our pleasure na maging kaibigan ka, Ms. Aistrielle. " sabi naman ni Mark na kay lawak ang ngiti sa akin.
Kaya napalingon ulit ako rito. Napakamot naman ito sa ulo bago ngumisi.
"Akalain mo yun at naging kaibigan pa natin ang future CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuan natin. Daig ko pa ang na promote!" sa maligayang boses ni Trish. Kaya napalingon ako rito.
"Just kidding.. " sabi pa nito sabay peace sign niya sa akin. Kaya napatawa kaming lahat sa kalokohan nito.
"Ayan tuloy ay mas lalo tayong pinagtitinginan ng mga tao." sabi ko nang nakita kong mas lalong napatingin sa amin ang ibang tao dahil sa ingay ng aming grupo. Mabuti na lang at tapos ng kumain ang tatlo kong kasama kaya maari na kaming umalis anytime.
"Okay lang 'yan, masasanay ka rin sa kanila. Dahil wala kang ibang pagpipilian kung hindi sanayin ang sarili mo ng sa ganun ay hindi ka mabilis maapektuhan sa sasabihin ng ibang tao. Hindi mo naman kailangan na maging tolerance ka sa kanila pero kung kaya naman. Eh di, mas mabuti para iwas gulo na rin. Dahil sa loob ng mahigit limang taon kong pagtatrabaho ay isa 'yon sa mga natutunan ko.
Dahil kahit saan ka man magpunta ay may masasabi talaga ang tayo sayo kaya laging may kabuntot na tsismis na maririnig mo lalo na at nagsisimula ka ng ihandle ang business n'yo. Dapat maging matatag ka kasi alam ko na susubukin ka ng ilang beses lalo pa at tingin nila sayo ay baguhan pa para humawak ng mga family business n'yo. " Pangangaral pa ni Ashley sa akin.
" Exactly, kaya huwag na natin silang pansinin dahil ayaw kong ma-stress at nakakatanda." sabi ni Trish.
" Tama si Ashley" pag sang-ayon naman ni Mark at nag thumbs up pa ito at sabay pa kaming napatingin sa aming cellphone para tingnan ang oras. Sabay-sabay pa kaming napatayo ng nakita ang oras dahil humaba ang kuwentuhan namin. Kaya napangiti na lang kami.
Let's go. "aya na ni Trish.
Naglakad na kami paalis sa canteen ng may humarang sa dinaanan namin at sinampal ako.
Kaya natulos ako sa aking kinatatayuan dahil sa aking pagkabigla.
Ngunit na kabawi naman ang kasama ko at inilayo sa akin ang babae.
" Mang-aagaw ka! Nanliligaw na sa akin si Caleb tapos ngayon bigla kang umeksena." sigaw nito sa akin sa nanggalaiti na boses.
"Ahh! pa tungkol pala ito sa hinayupak na kulog na iyon!" uminit naman ang ulo ko ng maramdaman ko na ang mahapding pagsampal na nagpabigat sa aking pisngi.
"Unang-una miss wala akong inagaw! Dahil hindi naman ako mang-aagaw at kung hindi na ipagpapatuloy ni caleb ang panliligaw sayo. Baka tama lang din iyon dahil kung ako siya ay hindi ko rin maatim na pakisamahan ang ganyang klaseng asong ugali." tiningnan ko din s'ya gamit ang nanlilisik at may pag-uusig na mga mata.
" Oras na ulitin mo pang guluhin at pagbuhatan ako ng kamay ay hindi ako magdadalawang isip na patulan ka. " sagot ko sa kanya sa malamig na boses.
Iniwan ko na s'ya dahil pinagtitinginan na kami sa eskandalong nangyari sa amin at mabilis akong naglakad paalis doon.
I just thought na sumunod na sila sa akin ngunit hindi pala. Dahil natagalan pa sila ng ilang minuto bago ko narinig ang kanilang mga yapak papasok sa opisina.
Kaya hinintay ko na lang ang dalawa habang naririnig ko silang nag-uusap sa nangyari.
"Haiisst! Sabi ko na nga ba gulo ang hatid ng Caleb na 'yon kay Aistrielle. Sa dami ba naman na nag-fafantard doon. Tiyak akong madami pang babae ang susugod sa kanya." sa may pag-alalang boses ni Trish.
"Kaya nga at buti na lang tinapunan ko rin ng tubig ang babaeng 'yun para mahimasmasan sa pagpapantasya at nang magising." sabi pa ni Ashley sa kanyang pag-ganti.
"Ikaw naman pinatulan mo pa at baka mamaya n'yan ay mas lalong pag-iinitan si Aistrielle." saway naman ni Trish kay Ashley.
"Kaysa naman palampasin ko ang ginawa n'ya. Hindi pwede sa akin na hayaan lang 'yun dahil pareho nating alam kong ano ang totoong nangyari." paliwanag pa ni Ashley sa nanggagalaiting boses.
Hindi pa tuluyang nakalapit ang dalawa sa akin nang hinarap ko sila.
"Nasaan na si Mark?" tanong ko sa dalawa.
"Bumalik na sa kanyang trabaho." sagot naman ni Ashley.
"Sorry nga pala kanina sa nangyari medyo eskandalo 'yun." sa nahihiya kong paumanhin sa kanila.
"Ano ka ba Aistrielle! Wala 'yun. Isa pa hindi ikaw ang nagsimula. Mabuti nga at hindi mo rin ibinalik ang sampal eh. Dahil kung ako 'yon, naku! Baka hindi lang sampal ang ibinalik ko sa mukha niya dahil tutuluyan ko talagang sirain ang pagmumukha niya. Ayan tuloy namumula na ang pisngi mo at baka mamaga pa iyan. Kailangan mong gamutin iyan mamaya at baka mapansin iyan ng mga magulang mo." sa nag-alalang si Trish.
" Pero 'wag kang mag-alala Aistrielle, lagi kaming to the rescue if may mang-aapi sayo. You know! what our friends are for? If hahayaan ka lang namin na mapahamak. Diba? " masinsinang sabi ni Ashley.
"Oo nga, Shine dahil ang totoong kaibigan ay nasusukat sa oras ng pangangailangan." dugtong ni Trish at magkasabay na silang lumapit sa akin.
Inilahad ni Ashley ang kamay nito sa akin at maagap ko namang tinanggap iyon at kasunod din ay ang pag-abot ng kamay ni Trish.
Sobrang galak ang nararamdaman ko dahil maayos ang pakikitungo nila sa akin. Kung dati ay mabilis kong isinantabi ang salitang kaibigan dahil na rin sa hindi magandang nangyari noon.
Ang totoo kasi niyan ay nahihirapan akong makahanap ng kaibigan na pwede kong pagkatiwalaan. Siguro dahil narin sa nangyari noon kaya natatakot akong magtiwala sa mga taong nakakapaligid sa amin lalo na at mga bagong kakilala pa lang namin sila. Pero ngayon ay paunti-unti kong binubuksan ulit ang sarili ko sa ibang tao.
'Ika nga nila, baby steps muna. Hindi ko man agad mabigay ang aking buong tiwala. Ang mahalaga ay may pagbabago naman na nangyari.
Hindi naman kasi pwede na lagi na lang kaming makulong lagi sa takot.
Tama nga rin kasi ang sabi nila na,
" Things are never quite as scary when you've got a best friend" by Bill Watterson.
Dahil ang maganda sa pagkakaroon ng mabuting kaibigan ay nandiyan lang sila sa tabi sa kahit anumang oras pagkakataon. Hindi ka man nila mabigyan ng maayos na payo sa problema. Ang mahalaga ay hindi ka nila iniwan at nandiyan lang sila palagi para handa kang damayan at suportahan sa mga magiging desisyon mo sa buhay.
Napangiti ako. Naging magka-agapay kaming tatlo sa paglalakad papasok ng opisina.