Huminga muna ako nang malalim at inayos ko muna ang sarili ko bago ako pumasok sa hotel kung saan ang naging tagpuan namin noon pa man. Naglakad na ako papunta sa napili kong restaurant kung saan kami mag-uusap. Pinili ko rito kasi may private area para sa mga taong gusto ang tahimik at privacy nang walang disturbo. Dito rin kasi madalas ginagawa ang mga business meeting and etc. I was still in Paris when I got an email from him after a long time, saying "I want to see you!" I thought it was just a misrouted message. Dahil wala naman akong kilala na C. D. M. ang initials. Kaya sa halip na mag-isip at alamin kung sino ang taong 'yun ay hindi ko na lang pinansin. I never wasted my time and energy to reply the message. After two days, I received a call. I never thought that it was from him