Pagkagising ni Grae ay agad na nagbihis dahil sinabi niya kay Mia na siya na lang din ang susundo sa anak. Kaya paglabas ng silid ay agad na bumungad ang nakakunot-noo na asawa. "Where are you going? You know that Mama is coming?" galit na wika ni Angelique. "I won't be late," saad dito saka mabilis na aalis na sana. "Grae! Tapatin mo nga ako. May relasyon ba kayo ni Mia?" deretsahang tanong nito sa kaniya. Nakita niyang medyo dumistansiya ang nanny na kasama ng anak nila na naglalaro. Halatang ramdam nito ang namumuong tensyon sa kanilang mag-asawa. Ayaw niyang patulan si Angelique lalo na kapag nakikita ng iba ang pag-aaway nila. "Enough, Angelique. You're just getting paranoid," hinahong saad pa rin. "I will be back soon," aniya saka dumeretso na. Pagkakita sa kaniya ng anak ay a