Tila natanggal ang tinik sa leeg ni Angelique nang marinig ang balita tungkol kay James. Ang akala niya ay trinaydor siya ng mga inutusang tauhan buti na lamang at sumunod pala ang mga ito. Nagdiriwang ang kalooban niya habang hawak ang kopita sa balkonahe ng silid. "Walang sinuman ang makakaalam ang aking sekreto. Wala!" bulalas niya. Alam niyang walang sinuman ang makakarinig noon dahil tulog na ang mga kasama sa bahay. Muli siyang sumimsim ng alak na nasa kopita saka tumingin sa kalayuan. Nakatanaw sa mahabang daan. Nang bigla siyang kilabutan nang biglang may lalaking lumitaw sa kung saan. "Akala ko kung sino na?" aniya ng makitang naglalakad lang naman ang lalaki. Mataman niya itong tinitignan hanggang sa makalampas ito sa tapat ng bahay nila ngunit bigla itong tumigil sa gitna