Wala nang nagawa pa si Mia kundi ang pumayag na makipagkita rito. Napangiti si Grae nang marinig ang pagpayag ni Mia. Gagawin niya ang lahat maibalik lamang ang pag-ibig nito sa kaniya. Saka niya iisipin kung papaano makikipaghiwalay kay Angelique. This time he was determine. Batid niyang hindi pa siya binabalikan ng kaniyang memorya ngunit alam niyang magbalik man iyon ay hindi mawawala ang pag-ibig para sa dating asawa. Lingid sa kaalaman ni Grae na lihim na nakikinig si Angelique sa kubling bahagi kung nasaan ito. Naningkit ang mga mata sa naririnig na usapan ng kaniyang asawa at alam na alam na niya kung sino ang kausap nito. 'Hayop ka Grae!' turan sa isipan. Nang makitang papasok na ang asawa ay mabilis siyang tumalilis. Ayaw niyang makita siya nito. 'Kung nagawa mong lokohin si