It's showtime! If you want Andrei back! Come to the place where you tried to kill me!-James Basa ni Angelique sa mensahe sa kaniyang cellphone. "Hindi maaaring buhay si James. Hindi! Hindi! Hindi!" tila nagwawalang saad sa kawalan. Parang mababaliw siya sa isiping mawawala sa kaniya ang anak at lalong-lalo na malaman ni Grae na hindi nito anak si Andrei. "Hindi! Hindi!" palakas na palakas na sigaw ni Angelique hanggang sa sinusubukan na niyang tawagan ang numerong nag-text sa kaniya. The number you have dial is unattended or out of coverage area. Please try again, later. "No. Hindi maaari ito. Hindi. Hindi!" Nagwawala na siya, tila baliw na hindi mawari ang gagawin ng biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Nanginginig pa ang mga kamay ng sagutin ang tawag buhat rito. "Hel—looo?"