Chapter 32:

2756 Words

Mabilis na sinipat ang sarili. Suot ang manipis na nighties na pinatungan ng roba habang nasa sala na hinihintay ang pagdating ng lalaki. "Mia. Relax. Ano ba naman ito? Para akong naghihintay ng asawang uuwi at excited na excited na makita ito," aniya sa sarili. Nakarinig na siya ng huni ng sasakyan at hindi siya nagkamali dahil si Grae na iyon. Humimpil ito sa tapat ng gate nila kaya mabilis siyang lumabas at pinagbuksan ito ng gate dahil tulog na ang kasambahay niya. Pagkabukas niya ng gate ay agad siyang sinunggaban nito ng isang mainit na halik sa labi. "Grae," apuhap niya ng tuluyang binitawan nito ang kaniyang labi. "I miss you so much," anito. "Miss me? Wala pag walong oras tayong hindi nagkikita ah," maktol rito. "I miss you every minute of my life," sweet na bulong ni Grae

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD