Chapter two

1292 Words
Chapter two. "Ate? Taeng tae nako! Ano bang ginagawa mo diyan sa banyo kanina ka pa diyan!" Sigaw ni Carlita habang namimilipit ito sa sakit ng tiyan sa labas ng banyo ng kanilang bahay. Dinedma lang ito ni Wendy. Kinukuskos niyang maige ang kanyang katawan ng papaya soap upang kuminis siya ng husto. First day of work ko today carlita wag kang makulit nauna ako sa banyo eh. hihi kaya ko nga inagahan para makaligo ng maayos eh! --Sa loob loob niya habang nagsasabon siya ng kanyang katawan "Huy ate wends?! lalabas na! Jusko ate aabutan nako dito!" "Grrr kainis naman tong si Carlita eh!" Napilitan tuloy siyang mag banlaw. Sumilip siya sa pinto "Ano ba? Naliligo ako. Pagbigyan mo nako mga ten minutes nalang pwede?" masungit niyang pagalit sa kanyang kapatid "Jusko ate mapupudpod na yang balat mo kakasabon! Mapapagalitan ka pa ni nanay inuubos mo yung papaya soap niya eh!" Tinulak na ni Carlita yung pinto ng banyo kaya nakapasok ito sa loob "Hoy hoy hoy anong ginagawa mo--" "Taeng tae nako ate. Takpan mo nalang yang ilong mo" Naghubad na ito ng short kasunod noon ay nagpasabog na ito ng likas na kayaman ng sikmura nito "Grrr Carlitaaaa!!" Napatakbo tuloy siya palabas ng kanilang banyo. Mabuti nalang nakapag tapis agad siya ng kanyang tuwalya Hindi siya pinansin ni carlita at todo ire ito. "Grrr. Mama oh si carlita!" Nagdabog siya papunta sa kusina kung saan nagluluto ng agahan ang kanyang Mama neneng. Sa lahat ng kapatid niya siya ang panganay ngunit minsan siya ang parang bunso dahil madalas isip bata siya. Katulad ngayon todo tulis ang kanyang nguso dahil naamoy niya ang mabahong utot ni carlita. "Hay nako wendelaria tigilan niyo ako ke-aga aga binubwisit niyo nanaman ako" pagalit sakanya ng kanyang mama neneng "Eh kasi naman si carlita hindi makapag hintay naliligo ako eh--" "Isa?" Akmang ibabato sakanya ng kanyang mama neneng ang sandok na hawak nito kaya napatigil siya sa pagsusumbong. "Sabi ko nga po magbibihis nako eh.." Napalabi nalang siya at walang magawa kundi umakyat sa kanyang kwarto. "Ang titigas ng ulo ng mga anak ko! diyos ko. Malas na nga ako sa mga naging asawa ko malas padin ako sa mga anak ko! Haaay!" Parinig pa ng kanilang mama neneng. Nasa paligid lang ang kaniyang ibang kapatid. Karga karga ng mga ito ang mga anak. Napabuntong hininga nalang si Wendy. Kailan kaya sila aasenso? Siyam silang magkakapatid pero iba iba ang kanilang mga Tatay. In short magulo talaga ang buhay nila Napapailing nalang si Wendy habang paakyat siya sa hagdanan. Never naman ako na-appreciate ni mama e. Sa lahat ng anak niya ako nalang ang walang asawa dahil pag aaral inatupag ko at eto first day of work ko ngayon pero balewala lang kay mama kahit sinabi ko sakanya mataas ang sahod ko Pero ayos lang yon. Sanay nako Napapangiti nalang si Wendy mag isa habang nag bibihis siya dahil nagpapaka-emosyonal nanaman siya. humarap siya sa salamin at kinausap ang kanyang sarili "don't worry self. Maaahon mo din sa hirap lahat ng kapatid mo. fighting!" Pagpapalakas loob niya. Naisipan niyang tawagan si Yoona. Tutal maaga pa naman dahil alas-siyete palang ng umaga. Nine AM pa kasi ang pasok niya sa Hoffman's Hotel Saglit lang nag-Ring ng cellphone nito at agad din nitong sinagot iyon "Bru? Aga mo atang napatawag? Kung mangungutang ka wala akong pera ngayon." Bungad nito "Tse utang agad? FYI yoona may trabaho nako!" "Wow Congrats bru. Edi mababayaran mo na mga utang mo sakin?" "Grabe ka first day ko palang teh. wag ka naman maningil agad diyan. Anyway may bongang bongang balita ako sayo!" "may sense naman siguro yang balita mo? Baka kasi ibalita mo nanaman yung tungkol diyan sa alaga mong pusa-kal na palaging nabubuntis ng kapitbahay niyong pusa" Napangiti si Wendy dahil binangit nito ang alaga niyang pusa. Pusa-kal lang ang tawag ni Yoona sa kanyang pusa dahil inampon niya lang ito sa kalye ng minsan maawa siya sa pusang gala na ito. Her p***y pet name p***y. Oh diba? Ang witty niya! "Hindi yon yoona. Iba ang ibabalita ko sayo! I'm sure magugulat ka" Nakakaramdam ng excitement si wendy s pag kukwento palang kay yoona "Osige ano ba yang kwento mo?" "Tangap na ako sa Hoffman's Hotel!" "Congrats. Yun lang ba?" Walang kalatoy latoy nitong sagot. marahil inaantok pa ito "Naalala mo ba si Jared? Yung schoolmate natin na anak ng principal? Yung matangkad na payatot pero pogi?" "Hmm Oo parang naaa-lala ko siya. Why?" "Boss ko siya ngayon! Siya may ari ng Hoffman's Hotel sa makati! Grabe lang it must be destiny!" "Oh my God?? Di nga??" "Oo! Kahit ako di makapaniwala. Sobrang nagbago na itsura niya ngayon. Lalo siyang gumwapo pero hindi na siya payat. Sakto na yung pangangatawan niya" "Pero teka diba binasted mo yun sa quadrangle dati? Napahiya yun sayo diba? Nako bes ingat ka don baka gantihan ka?" Napaisip si wendy sa sinabi ni Yoona. May point ito. Baka nga gantihan siya ni Jared? "H..Hindi naman siguro?" "Remember walang matinong lalake sa mundo. Kung sakaling ligawan ka niya wag kang ma-fall. Mga lalake kasi ngayon manloloko na lahat." "Bitter lang yoona?" "Tignan mo mga kapatid mo nabuntis lang iniwan na ang masakit pa don minahal pa nila yung mga lalakeng yun. at higit sa lahat yung Mama neneng mo siyam na beses niloko ng siyam na lalake sa mundo! At ako! Tatlong beses nako niloko ng mga lalake. Kaya kung ako sayo tigilan mo na yang kilig kilig na yan" "Ang Kill Joy mo yoona. Sige na nga bye na." "Baka kase ligawan ka uli nung Jared na yon tapos gantihan ka lang" "Uso naman yung salitang move on diba? Bata pa kami nung nangyare yun kaya nakalimutan na niya yun" "Basta binalaan kita wends. Bye!" Then yoona hung up.. Napabuntong hininga nalang si Wendy Umulan ng bitterness sa mundo sinalo siguro lahat ni Yoona. Haaay nako yoona Napatingin siya sa wall clock na nakasabit sa ding ding ng kanyang kwarto. Mag aalas otso na agad! Grabe ang bilis ng oras! Nagmadali na siyang mag ayos ng kanyang mukha. Hindi siya pala-makeup na babae pero this time magpapakilay siya sa kanyang kapatid na mahilig mag makeup. "Mengay? Mengay halika muna dito dali kilayan mo ako!" Sigaw niya upang marinig siya ni mengay. "Wait lang ate!" Sigaw din nito. Nasa ibaba ito ng kanilang bahay Maya maya pumasok na ito sa kwarto niya. May dala itong pang ahit ng kilay at isang lapis na pang kilay "Ano yan?" "Sabi mo kilayan kita ate?" "Oo nga pero aahitin mo ba?" Tanong niya. Hindi kasi siya nag aahit ng kilay kahit kailan. Makapal pa naman ang buhok ng kilay niya "Oo ate. Dati pa nga ako nang-gigigil diyan sa kilay mo e. Papagandahin ko yan ate. gagawin kong on-fleek ang kilay mo!" Nakangiti itong umupo sa gilid ng kama niya "S..Sure ka diyan ah! Baka masugatan ako. sige ka hindi ko ibibili ng gatas ang anak mo" biro niya sa kapatid Siya kase ang bumibili ng mga gatas ng kanyang pamangkin. Kaya tuloy halos wala na natitira sa sweldo niya. Ang mga damit niya halos lahat ukay ukay lang "Oo ate sure ako dito. Napanuod ko to sa youtube. Tignan mo nga yung kilay ni Mama neneng. Ako nag ahit non" kinurot niya sa tagiliran si mengay. Bunso nila itong kapatid ngunit nabuntis din ito ng maaga. kakapanganak lang nito nuong nakaraang buwan "Naku ka. Pinapaganda mo nanaman si mama baka mag boyfriend nanaman yon" Biro niya kaya natawa ito "Sige na pikit kana ate at gagawin ko nang kilay is life ang kilay mo" Huminga siya ng malalim at pumikit. Hinayaan nalang niya si Mengay ayusin ang sabog niyang kilay. ❤❤❤ Uuy Nagpapaganda siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD