Chapter three...
"How do i look?" Tanong ni Wendy sa kanyang sarili sa salamin ng elevator.
"You look pretty as always wends" Maarte niyang sagot sa sarili niya. mabuti nalang mag isa lang siya sa loob ng elevator papunta sa 30th floor ng Hooffmans hotel.
Gandang ganda siya sa kanyang sarili dahil sa ginawa ni mengay sa kanyang kilay, Nagkaroon iyon ng korte na bumagaw sa hugis ng kanyang mukha. Pakiramdam niya naging fresh ang kanyang mukha.
Lakas pala maka-ganda ng Kilay on fleek hihi.
Napapakanta pa siya habang nagsasalamin sa loob ng elevator, Paano pinahiram siya ni mengay ng sapatos nito. Regalo niya iyon kay mengay noong mag birthday ito pamasok sa skwelahan ngunit hindi na nito nagamit ang sapatos dahil nabuntis ito ng maaga.
kaya ngayon siya ang nag suot ng black shoes nito na may konting heels.
Mukhang bago pa tong black shoes ni mengay mabuti magkasing paa kami..
Inayos niya ang kanyang Pink corporate dress na binili niya sa ukay ukay sa halagang one hundred pesos lang,
She looks formal and decent.
Mukhang mayaman kahit ukay ukay lang. Ang ganda ko today ha?
Napapangiti siya mag isa dahil gandang ganda siya sa kanyang sarili.
Nang tumunog ang elevator sa 30th floor inayos niya ang kanyang sarili.
Pumasok agad siya sa loob ng Main office ng Hoffman's Hotel doon niya nakita ang receptionist sa lobby ng hotel
"Hi ma'am good morning po. Ako po yung bagong accounting assistant--"
"Speak in english please" Maarteng sabi nito sakanya habang naglololipop ito
Hindi niya maiwasan mapataas ang kilay. Pero ngumiti nalang siya
"Sorry about that ma'am. As i was saying. I'm Wendy Reyes accounting assistant of---"
"Wendy Reyes?" Putol nito sa kaniyang pagsasalita
"Yes Ma'am"
"Oh so its you..? Boss Jared told me that you should first reporting to her his private officers office before entering here.. " Itinuro pa nito ang loob ng Main office habang nag lololipop
"Huh?" Napakunot nuo siya
"My God. Simple instruction lang di mo pa nagets?"
My God din! Ang gulo ng english mo bes!
"Hindi ko nagets.." Mataray niyang sagot, Naiinis na kasi siya ang arte arte nitong magsalita at nakakainis ang pag-english spokening dollars nito.
"Sabi ko punta ka daw muna sa office niya sa taas sa 55th floor. Kakausapin ka daw muna ni Boss Jared bago kita papasukin dito. Mag log in ka na muna dito"
She want to roll her eyes.
Ahh ayun edi nag kaintindihan tayo bes!
Marunong naman pala itong magtagalog nagpupumilit pa kaseng mag english
"Thanks" Ngumiti nalang siya ng pilit at nag sulat ng kanyang pangalan sa Log book nito bago bumalik sa elevator. Napansin niya pang umirap ito sakanya bago siya tumalikod.
Sumakasy siya uli ng elevator at pinindot ang pinkamataas na floor ng Hoffmans Hotel
55th floor..
Hindi maintindihan ni Wendy kung bakit ang lakas ng kalabog ng kanyang puso. Parang naiihi siya sa sobrang kaba. Dahil makakaharap nanaman niya si Jared.
Nang makarating siya sa 55th floor. Nanlamig ang kanyang mga kamay. Kumuha muna siya ng piso sa loob ng kanyang coin purse at inipit niya iyon sa black shoes niya. Upang mabawasan ang kabang nararamdaman niya.
She pressed the red button doorbell
Maya maya pa automatikong bumukas ang high-tech nitong office door.
Lumunok siya ng ilang beses bago formal na ngumiti pagpasok niya sa loob ng pribadong opisina nito
"G..Good morning Boss.." Bati niya dito. Nakatalikod ito habang nakaharap sa glass window nito. Mukhang nag kakape palang ito.
Kahit nakatalikod ito nagsusumigaw ang kagandahang lalake nito. His broad shoulders and his perfect height is so irresistable.
Para itong greek-God na bumaba sa lupa upang sambahin ng mga kababaehan. May pagkakahawig ito kay Chris Evans na idol niya sa mga american movies na kanyang pinapanuod.
"Staring is rude.."
Naputol ang pag mumuni muni niya ng magsalita ito. Napa-ubo tuloy siya
"M..May naisip lang po ako boss.." Pagkukunwari niya
"Naisip mong sayang ako?"
"Po?" Hindi niya ito narinig dahil ang lakas ng t***k ng kanyang puso
"Nothing.. tss.."
Napalunok siya dahil ang sungit nito sakanya
"Pinapunta kita dito upang ipaliwanag sayo ang mga responsibilities mo bilang accounting assistant ko--"
"Po?" Napakunot ang nuo niya
"Why? Hindi mo ba binasa ang mga qualifications sa job description ng inaplayan mo?" Napakunot nuo din ito
Sunod sunod naman ang paglunok niya dahil hindi niya naman talaga binasa ang job description ng Hoffmans Hotel. Basta nagpasa lang siya ng kanyang resume ng makita niyang malaki ang sweldo
"Well, Ms.Reyes.. For your extreme information you applied for a accounting assistant position of the Hoffman's CEO. And thats me.."
"Po? A..Akala ko po sa accounting department ako ma-assign"
"Walang accounting department ang Hoffman's Hotel dahil wala akong tiwala sa ibang tao kapag pera ng negosyo ang pag uusapan. Ako ang namamahala ng buong accounting section kaya nga ako kumuha ng trust worthy assistant to help me with those stuffs" Itinuro nito ang mga tambak na papeles sa gilid
Nanlaki ang mata niya dahil napakarami nun!
"A..At ako po ang mag isang mag aayos niyan?"
"Yeah.. Ayaw mo?" Tanong nito
"G..Gusto ko po boss. Ituro niyo nalang po sakin lahat ng gagawin"
"Calculate mo lang total net and expenses natin mula 2015-2018. Lahat ng papers na yan mga original copies yan kaya wala kang dapat mawala sa mga yan. just sort everything"
Napalunok siya.
Jusko ang dami naman??
"S..Saan po ang table ko?"
"Follow me" Ibinaba nito ang hawak na mug ng kape at lumakad palabas ng private office nito. Para itong presidente ng isang bansa kung lumakad ito.
Grabe wala bang kapintasan tong lalakeng to? Dati payat payat niya, Paano kaya ito naging Hot?
Habang sinusundan niya ito di niya maiwasan mapatingin sa puwet nito
Jusko ang yumminess!
Bigla itong huminto kaso hindi siya nakatingin dahil sa puwet siya nito nakatingin. Kaya tuloy nasubsob siya sa likod nito
"Aww. Nako sorry boss!"
Humarap ito sakanya. Nakakunot nuo ito
"Pay attention Ms.Reyes" Masungit nitong pagalit sakanya
"Y..Yes boss"
Nakasimangot ito, Mukhang may sasabihin ito ngunit napatingin ito sa kanyang lipstick na kumalat sa kanyang pisngi.
"Hindi ko akalain na clumsy ka.. tss" Napapa-iling ito habang kinuha nito ang puting panyo sa bulsa ng pantalon nito.
Nakatulala lang si Wendy sa ginagawa nito
Nanlaki ang kanyang mata dahil hinawakan nito ang kanyang baba at pinunasan ng puting panyo nito ang gilid ng kanyang labi
Kung nakaka-binge lang ang t***k ng kanyang puso baka binge na siya ngayon
"K..Kumalat kasi yung ano.. Y..Yung lipstick mo" Para bang nagising din ito sa pagpupunas ng kanyang pisngi at nagmamadaling inabot sa kanya ang panyo
"Ikaw na mag punas niyang pisngi mo." Nag iwas ito ng tingin sakanya at namula ang pisngi nito.
Is he blushing?
Napakagat labi naman si Wendy dahil sa kilig na kanyang naramdaman! Inamoy amoy niya ang puting panyo nito.
Hmm. Sobrang bango naman ng panyo niya.!
"Anyway eto yung magiging office room mo--"
"B..Boss mag isa lang ako diyan?" Binuksan kasi nito yung isang kwarto katabi ng Private room nito
"Yeah. May problema ba?" Kunot nuong tanong ni jared sakanya.
"E..Eh Boss takot po ako sa multo baka may multo diyan?"
"Walang multo dito. Akala ko pa naman matapang ka?"
"E..Eh boss bakit hindi nalang ako sa 30th floor? Para naman hindi ako mag isa lang--"
"Gusto ko kase nandito ka lang malapit sakin--I mean malapit ka lang pag kailangan kitang utusan"
Napanganga nalang siya sa sinabi nito. Pareho silang nag iwas ng tingin
"P..Pero boss natatakot po talaga akong mag isa.. Tska madali lang naman ako makaka-akyat dito kung kailangan niyo ako--"
"Fine. Doon ka nalang sa room ko." Isinarado nito ang pinto ng kanyang magiging kwarto dapat.
"Po??" Napalakas ang kanyang tanong
"Bakit ba ang dami mong problema? First day mo palang Ms.Reyes pero napakademanding mo na--"
"Sabi ko nga po boss doon nalang po ako sa private room niyo"
"Ayoko ng maingay sa room. Ayoko ng burara at ayoko ng makulit" Inirapan siya nito bago ito naglakad pabalik sa private office nito
Grrr Ako ayoko ng sobrang gwapo! Kainis ka ang gwapo mo! hihi
Sinundan nalang niya ito pabalik sa private office nito
"Tatawag ako ng assistant para ayusin yung table mo. Doon kita ilalagay sa sulok para malayo ka sa paningin ko. Ayoko ng istorbo kapag nag tatrabaho ako"
"Hindi naman kita inaano diyan" bulong niya.
"Ano?" Hindi nito narinig ang kanyang binubulong kaya napangiti nalang siya
"Wala po boss. Sabi ko masusunod po. Hindi kita guguluhin boss lalo na kapag nag tatrabaho tayo.."
"Good" Tumalikod na ito upang tumawag ng mag aayos ng kanyang table
Wagi!